Pero sa bakla rin ipinagpalit: Sikat na celebrity hiniwalayan na ng basketbolistang bf, mga regalong gamit at sasakyan isinoli

MANILA, Philippines - Isinoli na pala ng isang basketbolista ang mga regalong gamit at sasakyan ng sikat bading na celebrity. Napunta rin sa wala ang relasyon ng dalawa.

Wala mang aminang nangyari sa relasyon ng dalawa, kumalat naman ito sa circle of friends ng player. Tigas din kasi sa katatanggi ang bading.

Pero huwag ka, sa halip na sa babae mapunta ang basketbolista, aba, sa isang bading uli siya kumapit! Na-feel niya siguro na mas low profile ang bagong bading sa buhay niya kumpara sa nilayasan niya.

Kris Bernal pinagnanasaan ng baguhang actor

Umuwi muna ang child actor na si Vincent Magbanua sa Palawan matapos ang epic serye niyang Indio. Lumanguy-langoy daw siya sa dagat habang wala pang kasunod na project.

Nag-aaral din ang bagets sa Palawan pero balik-Manila na siya dahil siya ang pinili ni Direk Dondon Santos upang gumanap ng isang binatilyo na may crush kay Kris Bernal sa Prinsesa ng Buhay Ko.

Ayon kay Vincent, sinusunod lang niya ang instructions sa kanya ng director upang lumabas na convincing ang papel niyang may crush sa isang dalaga.

Nangiti lang ang bagets nang aming tanungin kung iniimadyin ba niya si Kris upang lalo niyang mapagbuti ang role niya. Lalo na nga’t bayolente ang reaksiyon ng mga GMA executives sa tanong naming ’yon.

Pero sa cast ng bagong serye, ang open sa pagkakagusto niya kay Kris ay si Jan Manual. Nawawala raw siya sa konsentrasyon kapag kaeksena ang aktres na nagtitinginan sila sa mata.

 â€œAng ganda kasi ni Kris eh! Sobra,” rason ni Jan na bading ang role sa GMA series.

 

Show comments