Mexican-Hawaiian at hindi Brazilian ang mhin na nali-link kay AiAi delas Alas. Sa tunay na buhay, magkaibigan lamang ang dalawa. Nahihiya nga ang komedyana sa mhin dahil nasasangkot sa mga showbiz issue.
Inimbitahan ni AiAi ang Mexican-Hawaiian guy sa misa niya para sa kaarawan ni Virgin Mary noong Sept. 8. May mga invited reporter sa misa at dito nila na-sight ang mhin. Ang akala nila, nanliligaw ang mhin dahil sa closeness ng dalawa.
Hindi pa handa si AiAi na ma-in love. Ngayon pa lang siya nakaka-recover sa trauma na resulta ng paghihiwalay nila ni Jed Salang. Ini-enjoy muna ni AiAi ang pagiging single. Wala muna sa isip niya ang pag-ibig o pakikipagrelasyon.
Kris maligaya na napapanood na uli, matagal nag-concentrate sa regional shows
Nag-deny si Kris Bernal. Hindi raw totoo na nagtatampo siya sa GMA 7 dahil hindi siya nabigyan ng TV show sa loob ng halos siyam na buwan. Hindi siya nawalan ng ginagawa dahil sa mga regional show ng GMA 7 na pinuntahan niya.
Ang Prinsesa ng Buhay Ko ang bago at ma haÂba-habang project ni Kris. Romantic comedy ang new show nila ni Aljur Abrenica.
Maligayang-maligaya si Kris dahil mapapanood na uli siya ng kanyang mga supporter na matagal nang naghihintay sa pagbabalik niya sa TV.
Lolang chef ni Isabelle na si Nora Daza, pumanaw na
Sumakabilang-buhay kahapon sa edad na 84 ang veteran chef na si Nora Daza. Naging popular si Nora noon dahil sa kanyang cooking shows sa TV, ang At Home with Nora at Cooking It Up with Nora.
May koneksiyon sa showbiz si Nora dahil lola siya ni Isabelle Daza, ang anak ng former Miss Universe na si Gloria Diaz. Anak ni Nora si Bong Daza, ang ex-husband ni Gloria.
Ipagdasal ang Zamboanga
Nakakatakot ang sitwasyon sa Zamboanga City, base sa mga eksena na napapanood natin sa TV. Nakakaloka ang pagbabarilan at mga sunog na nangyayari. Hindi kaagad makaresponde ang mga bumbero sa sunog dahil sa takot na sila ang barilin ng mga sniper na walang pinipili.
Nakakamangha ang mga TV reporter na naka-assign sa Zamboanga City para maghatid ng mga balita. Nakasuot sila ng mga helmet at bullet-proof vest pero hindi naman ito assurance na hindi sila masasaktan sa putukan na nagaganap sa pagitan ng mga rebelde at militar.
Nakakatensiyon ang sitwasyon kaÂÂhapon sa Zamboanga dahil sa mga report na mas matinding palitan ng mga putok ang nasaksihan kaya lumikas ang maraming pamilya.
Hindi madali ang ginagawa ng mga TV reporter. Katulad din sila ng mga sundalo na nasa bingit ng pangaÂnib ang buhay sa mga giyera na sinasagupa. Ipagdasal natin ang mga militar na nakikipaglaban sa mga rebelde sa Mindanao at ang mga member ng media na naroroon para maghatid ng mga balita. Huwag nating kalimutan na isama sa dasal ang mga residente na apektado ng mga kaguluhan na nangyayari sa Zamboanga City. Biktima na ng trauma ang karamihan sa kanila.