Naubusan na ng words si Aljur Abrenica to describe his favorite leading lady, si Kris Bernal, nang kumustahin sa kanya. After almost a year, ang last pa nila ay ang romantic-comedy series na Coffee Prince, ngayon lamang sila muling magtatambal sa isa pang romantic-comedy, ang light drama series na Prinsesa ng Buhay Ko. Before this, two months din silang nagkasama every Sunday sa Sunday All Stars ni Kris.
“Habang tumatagal, lalong lumalalim ang acting niya, mas mature na ang approach niya sa mga eksena, mas magaling na siya ngayon, bukod pa sa lagi pa rin siyang nakangiti kahit puyat na sa taping,†saad ng Kapuso actor.
Biniro si Aljur na part na siya ng title dahil nilagÂyan ito ng ‘Ko.’ Wala raw naman siyang ni-request. Ang mahalaga raw ay may bago na siyang trabaho. Enjoy sila sa taÂping dahil bago ang mga kasama nila, sina Renz Fernandez, Lian Paz, Marco Alcaraz, at muli nilang nakasama si LJ Reyes. Bago rin ang director nila, si Dondon Santos, na director sa Indio.
Pero hindi lamang ang new soap ang pinagkakaabalahan ni Aljur ngayon, may inihahanda siyang bagong album for MCA Records. Kapipirma lamang din niya ng contract ng bagong endorsement sa Tupperware. It’s not true na kasama siya ni Kris sa Avon, na co-producer ng GMA Network sa kanilang soap. May coming concert din si Aljur sa Music Museum sa Nov. 7. Sa Sept. 23 ang pilot telecast nila ng Prinsesa ng Buhay Ko na mapapanood bago ang 24 Oras sa GMA 7.
Boyet kabadung-kabado sa Lorenzo
Natawa kami kay Christopher de Leon nang makausap namin sa first preÂsentation ng Lorenzo, ang musical play na first production venture ng kanyang Green Wings Entertainment sa SDA Theater ng Dela Salle College of St. Benilde. Ninenerbiyos daw siya kaya biro namin, bakit siya ninerbiyosin, hindi naman siya ang gaganap na St. Lorenzo Ruiz, ang first Filipino saint natin? Ninenerbiyos daw siya kung paano tatanggapin ng audience ang kanilang preÂsentation. Kasama pa naman niya that evening ang wife na si Sandy Andolong at mga anak na sina Mariel at Gabriel.
Pero napawi ang nerbiyos ni Boyet nang magkaroon ng standing ovation after the two-hour presentation. Maganda kasi ang music na original compositions ni Ryan Cayabyab. Maiintindihan naman ng audience ang takbo ng story dahil may English subtitle ito. Nasa cast sina Lorenz Martinez as St. Lorenzo Ruiz, sina OJ Mariano, Juliene Mendoza, Miguel Mendoza, at Bryle Mondejar na isa na palang stage actor.
This week, muling may presentation ang Lorenzo sa Sept. 12, 13, and 14. May dalawa silang presentation, 1:00 p.m. at 6:00 pm.