Raymond walang alam sa ‘anak’ nina Richard at Sarah

Matagal na rin namang showbiz talk show host si Raymond Gutierrez, at siguro nga alam din naman niya na ang kanyang statement, “Hindi ako makapagsasalita tungkol diyan, siya na lang ang tanungin ninyo.” Ito ang sinabi niya nang matanong kung totoo ngang nanganak na si Sarah Lahbati, at ang kakambal niyang si Richard ang tatay, na maaaring nakapagbigay ng ibang kahulugan sa mga kausap niya.

 Kung mabilis lamang gumawa ng conclusion ang mga kausap niya, baka nga sinabi na ng mga iyon na totoong may anak na sina Sarah at Richard at iyon ang dahilan kung bakit magkasama sila ngayon. Hindi rin naman maliwanag kung nasa bansa ba sila o nasa abroad. Pareho naman ka­sing walang ginagawang proyekto sa nga­yon ang dalawa, pareho silang bakasyon.

Kung hindi nga totoo ang mga espekulasyon, palagay namin ay napakadaling sabihin ni Raymond na hindi totoo iyon. Pero ang bagay na ayaw niyang magbigay ng anumang comment, mas mabigat ang kahulugan.

Marami ang nagsasabi, kung totoo naman iyon, nakakahinayang si Richard, hindi dahil tatay na siya kundi dahil sa mga ganyang bagay ay hindi niya naaasikaso ang kanyang career. Sabihin natin na siguro nga hindi siya naging kuntento sa naging palakad ng kanyang dating network kaya mas pinili niyang magbakasyon.

Pababayaan na lang ba niya nang ganun ang kanyang career? Sayang naman dahil sa totoo lang, siya ang tipong leading man talaga eh. Kulang na kulang tayo sa mga leading men sa ngayon, lalo na ang mga artistang talagang may batak sa fans. Ang huli naman niyang pelikula na My Lady Boss kaya gano’n ang nangyari ay dahil kulang na kulang sa promo. Pero sayang si Richard kung pababayaan niya ang kanyang career dahil napatunayan na naman niyang nakagawa siya ng big hits noong una, at naging top rater din ang ginawa niyang mga TV series.

Show ni Daniel pinanonood kesa sa kalaban

Ang totoo, hindi kami masyadong nadadala sa mga ra­ting sa telebisyon pero sa mga istambayan namin na kung saan naririnig namin ang kuwentuhan ng masa, mas nalalaman namin kung anong mga show ang talagang pinanonood nila.

Ngayon ang madalas naming ma­rinig, lalo na sa mga teenager, ay ang Got to Believe. Kaya sigurado kami na mas marami ngang nanonood doon kumpara sa kanyang kalaban. Kaya naniniwala rin kami na mas malakas ang show kesa sa pinalitan nilang serye ni Judy Ann Santos kasi hindi namin iyon masyadong narinig.

Itong bagong show panay ang kuwentuhan nila tungkol kay Daniel Padilla. Kung ganyan ang kuwentuhan, malakas nga talaga ang bago nilang TV show.

Mga pelikula mas importanteng kumita kesa magka-award

Mas lehitimo pang mga dramatic award noon ang Reyna ng Vicks, o siguro iyong Timpalak ng Purico. Sa panahong ito, patuloy na may gumagawa ng pelikula na akala mo ay isasali sa Reyna ng Vicks o Timpalak ng Purico. Hindi ganyan eh.

Ang kailangan natin ngayon ay ang mga pelikulang kumikita, iyong magugustuhan ng masa, iyong panonoorin nila. Iyong awards lang ang hangad, i-revive na lang nila ang Reyna ng Vicks o Timpalak ng Purico, mabuti pa.

 

Show comments