MANILA, Philippines - Hangga’t maaari ay dedma na lang sana ang aktres na si Claudine Barretto sa pinagdadaanan nila ng mag-asawang Raymart Santiago pero hindi niya magawa dahil pilit siyang inuusisa ng press ukol sa isyu nila.
Sa Marikina Regional Trial Court (RTC) kamakailan ay nakorner ang aktres at biglang nagbago ang kanyang tono nang mabanggit ang pangalan ng estranged husband.
“Alam mo, ayoko na siyang pag-usapan. Hindi naman siya importanteng tao at hindi rin siya sikat. So, huwag na natin siyang pag-usapan. ’Yun lang,†sabi ni Claudine.
Kasama niya ang kanyang legal counsel, si Atty. Ferdinand Topacio, sa korte para pakinggan ang kanyang hiling na temporary protection order (TPO) laban kay Raymart na na-grant noong July.
Sa kanyang request para sa TPO, inakusahan ni Claudine ang kanyang asawa ng “physical, sexual, psychological, and economic†abuse — which were detailed in a separate case filed against Santiago in August for his alleged violation of the anti-violence against women and children (VAWC) in late August.
Citing a gag order issued by the Marikina RTC, Barretto and Topacio refused to confirm whether the permanent protection order has already been granted.
As the TPO still stands, Santiago is not able to see his children, who are currently living with Barretto.
The court order prohibits the actor from being within 300 meters of his wife.
Naikuwento rin ni Claudine na kamakailan ay naospital ang kanyang nine-year-old adopted daughter na si Sabina at ngayon naman ay nag-aalala rin siya sa health condition ng kanilang second child, ang six years old na si Santino.
“Si Santino naman ang na-admit ngayon, so, sobrang stressful. Sobra akong nag-aalala, pati ako nagkakasakit na rin. Pero siyempre maraming, maraming sumusuporta at maraming nagdadasal. I’m really thankful. So, eto, babalik ako agad sa ospital,†sabi ni Claudine.