^

Pang Movies

Wally nagpapalamig, sex scandal nila ng EB Babe pinaglalaruan sa internet

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Inabangan kahapon ang pag-apir ni Wally Bayola sa Eat Bulaga pero hindi siya napanood.

Kung ako rin naman ang nasa lugar ni Wally, na nasasangkot sa isang sex video scandal, hindi muna ako magpapakita sa publiko.

Mainit na mainit kahapon ang video scandal na kumalat sa Internet. Tama lang na magpalamig muna si Wally.

Hinihintay ng mga tao ang statement ng comedian-TV host na biglang nagulo ang mundo. Hindi dapat pilitin si Wally. Ha­yaan natin siya na magsalita sa wastong panahon dahil hindi biro ang masangkot sa ganoong klase ng kontrobersiya.

Christopher susuporta sa press night ng Lorenzo musical

Ngayon ang press night ng Lorenzo sa SDA Theater ng College of St. Benilde, Manila City.

Ang Lorenzo ang musical play tungkol sa buhay ni San Lorenzo Ruiz na ipinrodyus ni Christopher de Leon.

Para sa mga gustong manood, 6 p.m. ang cocktails at 8 p.m. ang simula ng show.

Confirmed na dadalo si Christopher sa press night bilang siya nga ang producer ng kanyang dream project. Tiyak na panonoorin ng pamilya ni Christopher ang Lorenzo bilang suporta sa kanya.

Kahit mama ang turing, Billy pinaglilihiman si Maricel

Matunog na mama ang tawag ni Billy Crawford kay Maricel Soriano dahil sila ang gumanap na mag-ina sa pelikula na may pamagat na Momzillas.

Pero kahit malapit sila sa isa’t isa, never na nagkuwento si Billy kay Maricel tungkol sa breakup nila ni Nikki Gil at hindi rin nagtanong si Maricel sa kanyang anak-anakan. Iginalang nila ang isa’t isa.

Mukhang naka-recover na si Billy sa paghihiwalay nila ni Nikki. Ang sabi ng mga reporter, masaya at nakakapagbiro na si Billy sa presscon ng Momzillas.

Parehong tomboy pero parang babae kung kumilosAnak na babae ng aktor bagong karelasyon ng ex-GF ng singer-actress

Madalas na nakikita na kasama ng anak ng isang aktor ang ex-girlfriend ng tomboyitang singer-actress.

Babae ang anak ng aktor at ang tsismis, siya ang bagong karelasyon ng ex-girlfriend ng singer-actress.

Sino ngayon ang tomboyita sa dalawa? Pareho ang sagot ng aking source. Tomboy ang anak ng aktor at tomboy din ang ex-dyowa ng singer-actress. Hindi raw halata na mga pusong lalaki sila dahil babaeng-babae ang kanilang mga kilos at pananamit.
Suwerte ang ex-dyowa dahil nakasisiguro siya na magkakaroon ng bright future sa piling ng anak ng aktor.      

Cesar at Sunshine nanahimik na, pumabor sa hatian ng custody ng mga anak

Natural na iurong ni Sunshine Cruz ang Temporary Protection Order (TPO) na hinihiling niya sa korte dahil kung hindi, magkakaroon pa ng conflict sa custody case nila ni Cesar Montano.

Hindi puwedeng maghihiraman sila ni Cesar sa kanilang mga anak kung may TPO sa pagitan nila.

Tahimik na ang magkabilang kampo mula nang magdesisyon ang korte ng Quezon City na paghatian nila ang kustodiya ng mga bata.

Puwede naman kasi na maayos ang kanilang mga problema na walang mga nakatutok na TV camera at mga reporter na nakabantay.

vuukle comment

ANAK

ANG LORENZO

BILLY CRAWFORD

CESAR MONTANO

LORENZO

MARICEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with