MANILA, Philippines - Marami ang hindi nakakaalam na bukod sa pagiging artista ay aktibo rin si Derrick Monasterio sa kanyang mga adbokasiya para sa mga kabataan. Nakatakdang mabigyan ng parangal ang Kapuso young actor at bida ng seryeng Anna KareNina ng Youth Achievers for Entertainment & Arts ng Golden Globe Annual Awards na magaganap sa Sept. 29 sa Manila Hotel.
“Nang malaman ko ang news about the award na parang young male achiever award, siyempre nakaka-proud, proud to be Kapuso. Parang ilan lang kaming may ganito. Sa dinami-rami ng mga kabataang artista, napili ako. Iba rin ’yung feeling na talagang nakakabigay ka ng honor sa network mo,†pahayag ni Derrick.
Malaking impluwensiya raw para sa kanya ang pagiging youth ambassador sa National Youth Commission (NYC) para makaisip siya ng mga paraan kung paano makatutulong sa mga kabataan.
Anong campaign at advocacy ng NYC ang isinusulong niya?
“Actually, may project po ang NYC ngayon na anti-drug and substance abuse, ’yung hindi puwedeng gumamit ang mga kabataan ng mga ipinagbabawal na gamot at saka mga alak.
“Puwede namang mag-sports, kumbaga, sa ikakabuti ng sarili nila,†patuloy niya.
Meanwhile, natutuwa naman si Derrick dahil ramdam niya ang pag-level up ng roles na ibinibigay sa kanya ng GMA 7. Ngayon nga ay isa na siya sa mga bagong leading men ng Kapuso Network.