MANILA, Philippines - Mabuti naman at matutuldukan na ang seryeng Mundo Mo’y Akin. Nag-o-over acting na kasi ang mga pagpapahirap ni Jaclyn Jose kay Sunshine Dizon. Parang ’di na kapani-paniwala.
Saan kaya nakakakuha ng idea ’yung sumulat ng teleserye lalo na sa eksenang pinahahalik pa sa paa ni Jaclyn si Sunshine para lang mapatawad at mapahiram ng pera? Hindi kaya sa mga Koreanovela napulot ang ideya na pinahahalik sa paa ang may sala?
Tetchie umaarte kahit nagtuturo sa private school
Kahit may work sa isang private school, type pa rin ni Tetchie Agbayani ang umarte kahit medyo nahihirapan siya sa isang eksena sa My Little Juan. Imagine, pinaiiyak siya habang galit.
Nagkaroon kasi siya ng matinding galit sa ama, na akala’y iniwan silang pamilya. Bale ba kaeksena pa niya si Antonio Carreon na beterano na sa aktingan. Idagdag mo pa si Jaime Fabregas.
Si Tetchie ang isa sa may pinakamagandang katawan sa showbiz noong araw. Na-cover na siya sa ilang men’s magazine at ang pinaka-kontrobersiyal nga ay ang Playboy. Ito ay bukod sa pagiging ex-beauty queen niya, Mutya ng Pilipinas Tourism. Nakalabas na rin si Tetchie sa ilang international productions.