^

Pang Movies

Pagpapahalik sa paa ni Jaclyn kopya sa Koreanovela?!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mabuti naman at matutuldukan na ang seryeng Mundo Mo’y Akin. Nag-o-over acting na kasi ang mga pagpapahirap ni Jaclyn Jose kay Sunshine Dizon. Parang ’di na kapani-paniwala.

Saan kaya nakakakuha ng idea ’yung sumulat ng teleserye lalo na sa eksenang pinahahalik pa sa paa ni Jaclyn si Sunshine para lang mapatawad at mapahiram ng pera? Hindi kaya sa mga Koreanovela napulot ang ideya na pinahahalik sa paa ang may sala?

Tetchie umaarte kahit nagtuturo sa private school

Kahit may work sa isang private school, type pa rin ni Tetchie Agbayani ang umarte kahit medyo nahihirapan siya sa isang eksena sa My Little Juan. Imagine, pinaiiyak siya habang galit.

Nagkaroon kasi siya ng matinding galit sa ama, na akala’y iniwan silang pamilya. Bale ba kaeksena pa niya si Antonio Carreon na beterano na sa aktingan. Idagdag mo pa si Jaime Fabregas.

Si Tetchie ang isa sa may pinakamagandang katawan sa showbiz noong araw. Na-cover na siya sa ilang men’s magazine at ang pinaka-kontrobersiyal nga ay ang Playboy. Ito ay bukod sa pagiging ex-beauty queen niya, Mutya ng Pilipinas Tourism. Nakalabas na rin si Tetchie sa ilang international productions. 

                                               

 

vuukle comment

ANTONIO CARREON

JACLYN JOSE

JAIME FABREGAS

MUNDO MO

MY LITTLE JUAN

PILIPINAS TOURISM

SI TETCHIE

SUNSHINE DIZON

TETCHIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with