Daniel bentahe ang pagkakaiba ng ugali kay Kathryn

Inamin ni Daniel Padilla na ’di niya inaasahang papasok siya sa showbiz dahil hindi naman siya interesadong mag-artista nung una. Pero ngayong kinakagat ang love team nila ni Kathryn Bernardo bilang hottest young stars ay enjoy na siya sa pag-aartista at gustong ma-improve pa ang craft.

Tanggap naman nito sa sarili na may kakayahan siyang umarte pero naniniwala na hindi pa ito sapat kaya gusto pang matuto.

Ano ang sikreto ang kanilang tagumpay ni Kat?

‘‘Magkaiba kami pero nagkakasundo naman. Magulo ako at maayos siya. Magkaiba kami sa ugali at pananamit pero nababalanse naman namin ang isa’t isa.’ Di ba may kasabihan na opposite poles attract each other?’’ anang Daniel.

Idinagdag pa rin nina Daniel at Kat nagkakaintindihan na sila pero wala pa sa level bilang magkasintahan dahil focused sila sa career.

‘‘Masaya kaming dalawa at sapat na ’yun sa amin,’’ pahayag nina Kat at Daniel.

Magkasama sila sa bagong teleseryeng Got to Believe in Magic.

Sam dalawang linggo nang bumabakod kay Jessy

Inamin ni Sam Milby na dalawang linggo na niyang nililigawan si Jessy Mendiola. Ang pagiging simple at masipag sa trabaho ang nagustuhan niya sa mas batang aktres.

Desidido siyang mapasagot si Jessy dahil gusto na rin niyang magkaroon ng inspirasyon sa buhay.

Ayon naman kay Jessy, wala namang masama dahil pareho silang loveless.

‘‘Sweet and nice si Sam. Gusto ko ring magkakilala kaming mabuti,’’ sabi ng young actress.

Magkasama ang dalawa sa nakaraang pagtulong sa mga biktima ng bagyong Maring sa pagpa-package at pagdi-distribute ng relief goods.

Juana Change present tuwing rally

Ang sipag, sipag ni Mae Paner aka Juana Change sa kanyang advocacy laban sa pangungurakot sa gobyerno. Kasama ito sa big rally kahapon sa Luneta sa Maynila tungkol sa pag-a-abolish ng pork barrel.

Tama lang ang desisyon na kung ipagpapatuloy ang pork barrel ay hindi na gagawing lump sum ang pamamahagi ng pondo kundi magdadaan na sa ahensiya ng gobyerno at tamang ipapamahagi na lang sa mga proyekto.

Aalisin na ang pamamahagi nito sa NGOs (non-government organizations). Kaya nga inabuso ang pork barrel ay dahil dinala ang pork barrel sa kani-kanilang family foundation imbes na ang makinabang ay ang taumbayan.

 

Show comments