Gerald nagulat sa rebelasyon ni Dawn, walang kaalam-alam na ugat ng selos ni Albie
Sa mini-presscon kahapon ng On the Job (OTJ) ay inurirat si Dawn Jimenez ng entertainment press tungkol sa breakup nila ni Albie Casiño dahil kay Gerald Anderson.
Sa harap ni Gerald ay kinumpirma naman ito ni Dawn kaya nagkatuksuhan. Ang reaksiyon naman ng aktor ay ngayon lang niya ito nalaman.
“Nagugulat ako sa mga nangyayari ngayon,†natatawa niyang sabi. “If it’s worth anything, napakasuwerte namin na pumayag si Dawn sa ganung klaseng eksena kasi nangyayari naman talaga ’yun sa totoong buhay, alam naman naÂting lahat ’yun siguro.â€
Tinanong si Dawn kung wala bang pagsisisi on her part sa nangyaring breakup. Wala naman daw.
“Siguro, mas okay sana kung supportive ang boyfriend mo,†she said.
Komento nga ng reporters, dapat naman daw talagang magselos si Albie kung kasing guwapo naman ni Gerald ang ka-love scene.
Aminado rin ang OTJ actor na first time niya ring gawin ang ganito ka-daring na love scene na walong oras kinunan ng direktor na si Erik Matti. Hindi rin daw niya in-expect na ganun ka-grabe ang gagawin nilang eksena.
“Siyempre, sanay ako sa mga ginawa ko sa TV na mas tamed, mas maingat kumbaga pagdating sa sexuality. But the way na sinyut ni Direk Erik was really amazing. Hindi magwo-work ang storyline ko as Daniel kung hindi nangyari ang eksena. Napaka-importante ’yun for Daniel,†sabi ni Gerald.
Bakit ganun katagal kinunan? Ano ang ginawa nila sa loob ng otso oras?
“Nagla-lovemaking,†diretso pero natatawang sagot ni Gerald. “Iba’t ibang anggulo, iba’t ibang shots.â€
First time rin daw niya to do a love scene na topless ang kapareha at aniya hindi raw talaga madaling gawin ang eksena.
“Siyempre, as much as possible, gusto ko rin namang maÂging komportable si Dawn dahil hindi talaga madali ’yung eksena,†diin pa niya.
Piolo kinabog ang ginawa ni Gerald, 2 days nakipag-lovemaking kay Shaina na mula sa labas hanggang papasok sa kuwarto
Kung sina Dawn and Gerald ay eight hours kinunan ang love scene sa On the Job, kinabog sila nina Piolo Pascual at Shaina Magdayao dahil dalawang araw naman kinunan ang love scenes nila.
Say ni Piolo, first time rin daw niya na gumawa ng ganung ka-daring na eksena at mas lalo na siyempre si Shaina.
“Kasi nagsimula kami sa labas hanggang sa loob ng kuwarto,†kuwento ni Piolo.
Hindi rin naging madali for Shaina na tanggapin ang pelikula dahil nga sa naturang eksena at sabi nga ni Piolo dahil daw dito ay nabigyan niya ng sleepless nights ang leading lady.
“It’s too daring for Shaina. Hindi ganun kadali ang ginawa ni Shai, same with Dawn. Kahit sino namang babae, ’di ba? Pero just the same, trabaho ’yun,†he said.
Bukod kina Dawn, Gerald, and Piolo ay nasa presscon din sina Empress at Rayver Cruz at kinakantiyawan nga rin sila kung wala ba silang love scenes sa pelikulang ito.
Say ni Rayver, sa sobrang sanay na niyang mag-love scene, hindi na siya binigyan kaya nagkatawanan.
Si Empress naman, si Joseph Marco pa rin ang kapareha niya sa movie kaya tinukso na naman sila ng press.
Showing na ngayong Miyerkules, Aug. 28 ang On the Job kung saan ay itinanghal na best actor si Joel Torre sa 2013 PiFan (Puchon International Fantastic) Fim Festival. Matatandaan ding nagkaroong ng world premiere ang movie sa 66th Cannes International Film Festival sa France.
The movie is a crime-drama-action ay ginagampanan ni Piolo at Rayver ang papel na agents habang ang role naman nina Gerald at Joel ay mga bilanggo.
Under Star Cinema and Reality Entertainment, kasama rin sa pelikula sina Angel Aquino, Leo Martinez, Michael de Mesa, and Vivian Velez.
|
- Latest