Hamon ng baha tatalakayin sa Bawal ang Pasaway

MANILA, Philippines - Sapat ba ang tugon at pondo ng mga lokal na pamahalaan para mabawasan ang baha dulot ng mas malalakas na bagyo?

Ayon kay Marikina Mayor Del de Guzman, mas naging handa ang kanyang mga kababayan sa bagyo dahil sa information campaign na kanilang inilunsad matapos ang bagyong Ondoy. Hindi rin nila tinantanan ang paglilinis ng kanilang drainage system. 

Ayon naman kay Cavite Governor Jonvic Remulla, ang naging hamon sa kanilang programa kontra baha ay ang mabilis na pagdami ng populasyon. Dahil dito, tinayuan ng mga bahay ang mga dating dinadaluyan ng tubig. Ang Cavite ang pinakamatinding nahagupit ng pag-ulan nitong nakalipas na ilang araw. Sa Sangley Point, ang ulang pang-isang buwan ay bumuhos dito noong Aug. 19. 

Alamin ang mga proyekto ng Cavite at Marikina City matapos ang unos sa Bawal ang Pasaway Kay Mareng Winnie kasama si Prof. Solita “Winnie” Monsod sa GMA News TV Channel 11, sa Lunes, ika-10 ng gabi.

 

Show comments