Malakas ang sex appeal. Ito ang pahayag ng dalawang kabataang aktres na matindi ang crush kay Dennis Trillo.
Una nang nagpahayag si Barbie Forteza na noon pa man ay crush na niya si Dennis at umaasa ito na sana’y makasama niya ang aktor sa pelikula o teleserye.
‘‘Sixteen years old lang ako at malay natin na baka dumating ang panahon na makatambal ko ang aking idol. Malakas ang dating niya sa akin,’’ sabi ni Barbie.
Tinanong din namin si Thea Tolentino kung sino ang crush niya sa mga aktor. Biglang sagot din nito ay si Dennis. Para sa kanya oozing ang sex appeal ng aktor lalo na kapag ngumiti na. Seventeen lang si Thea at gaya ni Barbie ay umaasa rin ito na sana’y makasama niya kahit sa teleserye man lang si Dennis.
Dennis pinaniniwalaan na ang kabaklaan
Dumating ang high school classmate ko mula sa Amerika at nagkaroon kami ng dating magkakaeskuwela sa St. Joseph Academy (ngayon ay La Consolacion na) sa Caloocan City ng reunion para sa isang intimate dinner.
Avid viewer pala sila ng My Husband’s Lover at saludo sila sa akting nina Dennis Trillo, Tom Rodriguez, at kahit si Carla Abellana. Tanong nila, bading ba raw talaga si Dennis dahil kuhang-kuha nito ang kilos ng isang bakla?
Sabi ko naman ay lalaking-lalaki siya at bumilang na ng mga nobya.
Writer nag-birthday treat ng medical checkup
Naiibang kaarawan ang idinaos ni Ahwel Paz ng DZMM Radio na katuwang ni Jobert Sucaldito. Sa halip na siya ang bigyan ng regalo ay siya pa ang nagbigay sa malalapit na kaibigang press for free medical checkup sa mga doctor.
Maganda ang visual presentation tungkol sa hypertension, diabetes, at kung paano maiiwasan ang prostate cancer. Na-enlighten kami sa paliwanag ng mga doc tungkol dito.
Mabuhay ka, Ahwel! May your tribe increase!