Isyung bankruptcy katsipan!

Katsipan ang isyu na bankrupt ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao dahil ibinebenta nila ang kanilang bahay sa California, USA. Bankrupt kaagad? Hindi ba puwede na nagiging praktikal lamang sina Papa Manny at Mama Jinkee dahil bihira nilang mapuntahan o madalaw ang mansion nila sa Los Angeles?

Mababawasan na ang mga biyahe sa ibang bansa ng mag-asawa, lalo na ngayon na vice governor na si Jinkee ng Sarangani province at sa Asia na lang ang susunod na laban sa boxing ni Papa Manny.

Kung ako ang nasa posisyon nina Papa Manny at Jinkee, ibebenta ko rin ang bahay nila sa US. Ang hirap, hirap mag-maintain ng bahay na bihirang mapuntahan. At sa mga nang-iintriga na wala nang datung ang mag-asawa, nagkakamali sila dahil marunong humawak ng pera si Jinkee. Secured na secured na ang future nila ng kanyang mga anak.

Carla faithful kay Geoff, malabong mapunta kay Tom

Ipagpo-produce ng Regal Entertainment, Inc. ng pelikula sina Carla Abellana at Tom Rodri­guez.

Kahapon ang storycon ng kanilang movie project na resulta ng success ng team up nila sa My Husband’s Lover. For a change, hindi bading si Tom sa pelikula na pagtatambalan nila ni Carla.

Marami ang nag-iilusyon na magkaroon ng relasyon sa tunay na buhay sina Carla at Tom dahil malakas ang chemistry nila sa My Husband’s Lover. Malabong matupad ang pangarap ng mga ilusyonada dahil faithful si Carla sa kanyang boyfriend na si Geoff Eigenmann.

Eugene pa-girl kay Yuki

Guest namin kahapon sa Startalk si Eugene Domingo at Yuki Matsuzaki. Nag-promote ang dalawa ng kanilang pelikula na ire-release ng GMA Films sa mga sinehan, ang Instant Mommy.

Ang Instant Mommy ang unang directorial job ng production designer na si Leo Abaya. No show si Leo sa presscon ng Instant Mommy noong Huwebes dahil dumalo siya sa kasal ng kanyang kapatid sa Bohol. Hindi agad nakabalik sa Manila si Leo dahil pahirapan ang pagkuha ng flight at epekto pa rin ito ng tandem ng Typhoon Maring at ng habagat.

Iikutin nina Eugene at Yuki ang lahat ng mga programa ng GMA 7, sa ngalan ng promo ng Instant Mommy.

Bilib na bilib si Yuki kay Eugene dahil natutunan agad nito ang Japanese language. May mga eksena sa Instant Mommy na nagsasalita ng Niponggo si Eugene at ayon kay Yuki, perfect ang accent ng kanyang leading lady.

Pa-girl naman si Eugene habang pinapakinggan ang mga papuri sa kanya ng Japanese actor na naka-penetrate sa international scene at may bagong Hollywood movie na ginagawa na hindi puwedeng i-reveal.

Pag-amin ng Prison Break actor ng kabaklaan kinabibiliban

Kinaiinggitan ng ibang mga aktor si Wentworth Miller dahil nagkaroon ito ng lakas ng loob na aminin ang pagiging baklita.

Hindi lamang ang mga aktor na Pinoy ang inggit kay Wentworth. Pati ang mga aktor sa ibang panig ng mundo na hindi mailantad ang kanilang tunay na kasarian, bilib na bilib sa star ng Prison Break dahil nakawala ito sa matagal na pagkakakulong sa totoong pagkatao.

Nakakaloka ang isang reporter dahil walang takot nitong pinangalanan ang isang aktor na matagal nang questionable ang gender. Sa pagkakasulat ng reporter, parang siya ang authority at nakakaaalam sa kuwento ng buhay ng aktor.

 

Show comments