^

Pang Movies

Daniel kinaladkad agad palabas, kakapasok lang sa Muling Buksan...

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mabuti na lang umabot pa si Bulacan Vice Gov. Daniel Fernando sa pinasukan niyang serye na Muling Buksan ang Puso. Almost three months ding umarte ito, nag-taping, pero ngayon pa lang huling linggo nakapasok ang character ng actor-politician. Ang masakit pa, kaeentra pa lang niya ay binitbit kaagad palabas sa eksenang nasa party ni Julia Montes.

Sa istorya kasi ay napreskuhan sa kanyang pagbibiro si Enrique Gil. Alam kasi ni Daniel ang mga sikreto nina Agot Isidro at Cherrie Gil.

Maraming nanghinayang at nabitin daw sila sa TV exposure ng vice governor sa kanyang pag-appear sa serye ni Julia. Parang inaapi tuloy ang aktor.

“Hindi naman pahabaan ng role ang target ko. Basta markado,” pagtatanggol ni Daniel sa karakter noong bisitahin namin sa Kapitolyo ng Malolos, Bulacan.

Sa totoo lang, busy ang bise gobernador sa kanyang trabaho sa kanilang Municipal Hall. Hindi lang matanggihan ang magagandang papel na alok sa kanya.

Gerald nag-suffer ang career kay Maja

Mabuti na lang may ipapalabas na movie project si Gerald Anderson kahit wala pang TV series. Tumamlay kasi ang career ng aktor magbuhat noong ma-link kay Maja Salvador.

Eh talagang magsa-suffer ang career niya kapag si Maja lang ang inaatupag. Walang aktor na suwerte na sa pag-ibig, suwerte pa sa career. Walang ganun!                                                                                                  

AGOT ISIDRO

BULACAN VICE GOV

CHERRIE GIL

DANIEL FERNANDO

ENRIQUE GIL

GERALD ANDERSON

JULIA MONTES

LANG

MAJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with