^

Pang Movies

Angel Locsin ginagamit ng ibang tao sa ‘Pagtulong’ sa mga binaha

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Oras na naman ng Bayanihan spirit upang tulungan ang nasalanta ng habagat na dala ni Bagyong Maring. Lumayas na raw ang bagyo as of this writing kaya naman nawala na ang baha sa España and hopefully, sa iba pang lugar sa Metro Manila at probinsiyang nadale ng baha.

Actually, nagsimula ang pagtu­tulungan nu’ng Martes na pinangu­nahang ng GMA at ABS CBN. Hindi rin nagpahuli ang Eat Bulaga sa paghingi ng donasyon sa manonood at ‘yung gustong mag-donate ay ipadadala lamang ito sa Broadway Centrum.

Maging ang Shining Light Foundation na tinutulungan ng mag-asawang Gary at Angeli Valenciano ay kumalap ng donasyon nu’ng Martes ng gabi. Kinansela nila ang Tuesday Nights With Gary at sa halip ay humingi sila ng donasyon sa mga tao upang ibahagi sa mga biktima. Nakakalap naman sila nang mahigit P100,000 na siyang ipambibili ng goods para sa tao.

Nag-tweet naman si Jericho Rosales na walang surfing na magaganap sa kanya. Sa Montalban, Rizal namamahagi ng relief goods ang aktor pati na pagbabahagi ng good words.

Maging ang magdyowang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay ipinamalas ang concern sa mga biktima. Magkasama silang nagpakain sa mga naninirahan sa Roxas District, QC nang ma-pack up ang taping ng Genesis ng aktor. After ng pagpapakain, dumiretso si Yan Yan sa GMA telethon upang sumagot sa telepono ng mga tumatawag.

Sa mga tweets ng ilan, napansin namin ang isang account na Angel Locsin. Although tumutulong naman siyang i-forward sa Red Cross ang mga reports sa kanya, parang hindi yata ‘yon ang tunay na account ng aktres, huh! Just the same, maayos naman ang tweets niya kaya si Angel man ‘yon o isang lang niyang poser, hindi naman siya parang nanloloko, huh!

Last Tuesday, tanging ang The Ryzza Mae Show at Eat Bulaga ang nag-live na programa. Kumpleto naman ang EB Dabarkads sa episode na ‘yon. Naku, kung sa Pampanga pa umuuwi si Ryzza, baka hindi siya nakarating sa kanyang show at sa EB, huh!

Sa bandang QC na lang nagkaroon ng Juan for All, All for Juan sina Jose, Wally at Paolo Ballesteros at hindi na ginawa pa ‘yung pag-uunahan sa pila ng mga tao.

After nga lang ng show, nag-tweet si Allan K. Sinagasa niya ang baha sa daanan kaya ang ending, tumirik ang kanyang van, huh!

Rufa Mae masipag kahit bagyo

Tuluy na tuloy ang showing kahapon ng Ang Huling Henya ni Rufa Mae Quinto kahit kinansela ang premiere night ng movie last Tuesday.

Ang sipag nga ni P-Chi na mag-tweet upang ipaaalam sa publiko na tuloy ang showing ng kanyang kakaibang movie. Importante para sa kanya ang Henya dahil naiiba ito sa mga projects niyang ginawa noon.

Para sa amin, gusto naming kumita rin ito para kay Rufa Mae nang sa gayun, lalo siyang maging inspirado sa paggawa pa ng movie na hindi lang ang “kagagahan” ang kayang ipamalas kundi ang kanyang “acting availability” rin, huh!

ALLAN K

ANG HULING HENYA

ANGEL LOCSIN

ANGELI VALENCIANO

BAGYONG MARING

EAT BULAGA

NAMAN

RUFA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with