Tatlong pelikula mula sa kakatapos lamang na Cinemalaya Philippine Independent Film Festivals ang nakatanggap ng pormal na imbitasyon para sa ilang international film festivals sa Canada.
Una na rito ay ang Nuwebe ni Joseph Israel Laban na dadalhin sa 37th Montreal World Film Festival.
May English title itong The Youngest at isa ito sa 105 films na kasama sa Focus on World Cinema section. Ito nga lang ang nag-iisang Pinoy film na makakalaban ang mga entries mula sa China, Japan, at India.
Magpe-premiere ang Nuwebe (The Youngest) on August 29 sa Montreal, Canada with additional screenings on September 1 and 2.
Ang mga bida ng Nuwebe ay sila Nadine Samonte, Jake Cuenca, Anita Linda, at Barbara Miguel.
Ang Ekstra/The Bit Player naman ni Jeffrey Jeturian na nanalo ng anim na awards sa Cinemalaya at palabas pa sa 100 theaters nationwide ay makakasama naman sa 38th Toronto International Film Festival on September 8. Magkakaroon ito ng screenings on September 10 and 15.
Ang pinagbibidahan na ito ni Batangas Governor and Star for All Seasons Vilma Santos-Recto ay kasama sa Contemporary World Cinema section ng naturang festival.
Eligible ang Ekstra/The Bit Player para sa Blackberry People’s Choice Award kung sino ang magiging most popular film ng festival. Last year, ang nakapanalo nito ay ang Silver Linings Playbook ni David O. Russell.
Ang Babagwa (The Spider’s Lair) naman ni Jason Paul Laxamana ay pupunta naman sa Vancouver International Film Festival na magaganap sa September 28 hanggang October 4.
Ang indie film na ito na pinagbibidahan nila Alex Medina, Alma Concepcion, at Joey Paras ay mag-compete sa Dragons & Tigers Award for Young Cinema.
24 oras at I WITNESS nominated sa Emmy
Nominated sa taunang International Emmy Awards ang 24 Oras at I-Witness.
Kasama ang dalawang news shows na ito sa walong international nominees for the news and current affairs categories.
Ang in-depth coverage ng Typhoon Pablo ng 24 Oras nina Mike Enriquez at Mel Tiangco ang isa sa considered na world’s deadliest disasters of 2012 ang siyang nakakuha ng nomination for the news category.
Ang kanilang coverage ay tinawag na “a catalyst for public debate regarding the effectiveness of the country’s emergency preparedness.â€
Hindi rin kataka-taka kung muling mapansin ang 24 Oras next year dahil sa matinding coverage nila sa pananalanta ngayon ng Typhoon Maring at ng haÂnging habagat na nakapinsala sa ilang mga siyudad ng Metro Manila at sa ilang probinsiya tulad ng Laguna, Cavite, at Bataan.
Ang documentary naman ni Kara David na I-Witness ay tungkol sa children’s rights titled Alkansiya ang nakakuha ng nomination sa current affairs category.
Kuwento ng Alkansiya ay tungkol sa dose-anyos na batang lalake mula sa Eastern Samar na sumisisid sa dagat para makahuli ng mg sea cucumbers. Ang kanyang naiipon sa kanyang mapanganib na trabaho ay gagamitin niya para sa kanyang pagtatapos ng pag-aaral.
Nakatanggap ng UNICEF Child Rights Award sa Seoul Korea ang naturang documentary.
Ang mga tatanghaling winners ay gaganapin sa Lincoln Center in New York City sa October 1.