^

Pang Movies

Pamasko ni Gov. Vi nakatulong kay Sen. Grace para mag-no. 1

Jun Nardo - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines - Nakakadama ng pressure si Sen. Grace Poe-Llamanzares dahil sa pagiging No. 1 sa lahat ng 12 winners sa senador. Dehado ang feeling niya nung hindi pa lumalabas ang resulta ng eleksiyon kaya sambit niya sa panalo, “Uso pa pala ang himala!”

“Siyempre nakatuon lahat ng tao sa ‘yo. Lahat naka­tutok. Ako naman sa tingin ko, basta lang magsipag ako. Manatili akong tapat at basta lang meron lang akong nagagawang resulta na masusukat nila. Sa tingin ko naman, ’yung mga tao, makikita naman nila na nabawi nila ang boto sa akin.

“Pero ang hirap kasi ng number one eh. Kung number three, four, komportable akong nakaupo eh. Pero ’yung number one, kami ng nanay ko… ’di ba nung umpisa ng bilangan, four thousand? Naku, naglululundag na kami! Kunan natin ng litrato. Baka paggising natin, maiba na ’yan eh. ’Di ba ’yung nangyari noon?” pahayag ng senadora sa thanksgiving lunch.

Ang ikinamangha niya ay ang malaking panalo niya sa Cebu City at sa Mindanao. Pero ang isa sa tumatak sa kanya ay ang pagtulong sa kanya sa Batangas ni Gov. Vilma Santos-Recto.

“Sabi ko kay Governor Vi, ‘Alam mo, Gov nung bata pa ako, sinasama ako  ng pinsan kong si Sheryl na mamasko sa ’yo.’ Totoo. Malay ko kung saan pupunta si Ricky Belmonte? Eh December 25, walang ginagawa. Pinuntahan namin mga ninong. Eh ako, sinasama. Go!

“Si Sheryl namamasko kay Vilma. Siyempre ako rin inaabutan ng Pamasko. Weird, ’di ba?

“So, nung nandoon na ako sa Batangas, naalala ko ’yon. So, sinabi ko sa kanya. Pareho naman kaming bata noon kaya lang sikat na artista na siya. Sabi ko, puwede ba akong humiling ngayon ng mas maagang Pamasko?

“Mga April ’yon. Na sana iendorso mo ako sa kababayan mo na mahal ka para ’yun na lang ang Pamasko mo sa akin. It was so heartwarming and touching kasi for all the things Governor Vi deli­vered. Alam mo si Governor Vi ’pag nagsasalita, galing ’di ba?

“’Pag kausap niya ang constituents niya, Batangueño ang accent. Narinig ninyo? Talagang nakakatuwa. Number one ako doon,” pagmamalaki ni Sen. Grace sa suporta ni Gov. Vilma.

Helen nagkasakit, hindi na makakasama sa drama series ng GMA

Kinumpirma ng manager ni Helen Gamboa na si Shirley Kuan na health reasons ang dahilan kung bakit hindi na magagawa ng award-winning actress ang GMA drama series na Akin Pa Rin ang Bukas.

Kung matatandaan, binigyan pa ng bonggang welcome ang mahusay na veteran actress nung contract-signing event niya sa network. Eh after ng memorable niyang performance sa Walang Hanggan sa ABS-CBN, sa GMA na sana mapapanood si Tita Helen and, in fact, nakapag-taping na siya ng ilang episodes. Sadya yatang hindi pa time ni Tita Helen na umapir sa GMA.

Pinayuhan na siya ng kanyang doctor na magpahinga kahit gustuhin man niyang magtrabaho.

Ang ipinalit kay Tita Helen ay si Liza Lorena. Nagti-taping na sila ng mga unang episode dahil ipalalabas na ito sa Sept. 9 bilang kapalit ng Mundo Mo’y Akin. Nasa cast din si Gloria Romero.

AKIN PA RIN

AKO

ALAM

BATANGAS

CEBU CITY

GOVERNOR VI

PAMASKO

PERO

TITA HELEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with