MANILA, Philippines - Feeling diring-diri ang isang magaling na aktres sa huling indie movie na ginawa. Nang mabanggit kasi ito, kulang na lang ay masuka siya sa pagkakarinig nun.
Ayon sa nakapanood sa eksena ng aktres sa movie, para bang isa siyang trying hard na baguhan na para lang mapag-usapan ay ginawa ang eksenang pinaliligaya ang sarili! Alam naman ng taga-showbiz na hindi ari ng aktres ang ipinakita sa unang bahagi ng eksena.
Pero siyempre, sa mga hindi taga-showbiz, iisipin nilang ang aktres ’yon lalo na nga’t may full shot siya na nagpapaligaya sa sarili. Pati ’yung flower ng babae, isasaisip ng mga manonood na sa aktres ’yon.
Naging maingat din sana ang aktres sa pagtanggap ng role na ’yon. Hindi naman siya pipitsuging artista na basta na lang papayag na gamitan siya ng dobol sa eksenang malaswa!
Now kung sakaling may makasalubong siyang tao na nakapanood ng movie niyang ’yon, hindi maiiwasang mag-isip ng malaswa tungkol sa kanya, ’di ba?
Kakikayan ni Rufa Mae hindi umubra kay Direk Marlon Rivera
Binawasan ni Direk Marlon Rivera ang mga kakikayan ni Rufa Mae Quinto bago simulan ang shooting niya ng Ang Huling Henya. Tinanggal niya ang comfort zone ng seksing komedyante kaya naman nag-swak siya sa character na gusto niya sa aktres.
“Dito sa Henya, hindi bobo o genius si Rufa Mae. Family story naman ito dahil sa dulo, parang teleserye ng pamilya ang mapapanood ninyo rito,†sabi ni Direk Marlon sa presscon ng movie.
Eh may eksena ba si P-Chi sa movie na magmamarka gaya sa ginawa niya kay Eugene Domingo gaya ng elevator acting, TV Patrol acting, at iba pa?
“Ang magmamarka rito… Don’t underestimate Rufa Mae’s acting here kasi ’yung mga eksena…’yung huling eksena na umiiyak siya, kasi nagpamalas siya, meron palang katotohanan. Yes, yes, meron talaga.
“Alam ninyo, si Rufa Mae, inaaway namin sa pilikmata, sa extension. Ang tagal, tagal! Alam mo na. Tuwing break, lipstick. Ganoon siya kakulit. Sanay kasi siya sa kanyang palung-palo…
“Pero nung araw na ’yon, nakita ko na wala na siyang pakialam. At ginawa niya ang eksena na sa ending na wala siyang pakialam. Sabi ko sa kanya, ‘Alam mo, bakla, dumating ka na talaga. Artist ka na talaga pala!’
“Meron naman talaga eh. ’Yung mga komedyante magaling magdrama ’yan. Magaling ang timing at alam gawin ang eksena,†depensa ni Direk Marlon kay P-Chi.