Type B+ ang dugo na kailangan ni Michael V. na nakikipaglaban sa dengue sa St. Luke’s Hospital sa Quezon City.
Umapela kahapon sa publiko sa pamaÂmagitan ng social media ang concerned friends ni Michael V. dahil kailangang-kailangan na masalinan siya ng dugo. Para mangailangan siya ng dugo, matinding klase ng dengue ang dumapo kay Michael V.
Narinig ko ang balita na hindi pa tapos ang mga eksena ni Michael V. sa episode ng Pepito Manaloto. Baka gawan na lamang ng paraan ang episode dahil walang lakas si Michael na magtrabaho.
Dumagsa kahapon ang mga dasal para sa paggaling ni Michael V. I’m sure tutulong ang Philippine National Red Cross sa paghahanap ng Type B+ blood na kailangan na isalin sa may sakit na komedyante.
Actor R nabuwisit sa actress na ka-secret affair kaya kinalasan na lang
Si actor A pala ang umayaw kay actress R kaya hindi nagtagal ang kanilang secret love affair. Iniwasan ni A si R nang dumalaw ito sa shooting ng pelikula na ginagawa niya noon.
Nagmukhang kawawa si R dahil nag-dialogue pa ito sa kanyang mga kasama na gusto niya na magkaroon sila ni A ng private moment.
Hindi nangyari ang pantasya ni R dahil si A ang gumawa ng paraan na iwasan siya. Hurt na hurt si R dahil tinanggihan at tinalikuran siya ng mhin na minahal niya at pinag-aksayahan ng panahon.
Taylor Lautner shocked sa fans na nag-abang ng alas-kuwatro ng umaga sa airport
Shocked si Taylor Lautner dahil sa Filipino fans na sumalubong sa kanya kahapon sa Centennial 2 Terminal sa Pasay City.
Past 4:00 a.m. nang dumating si Taylor sa Pilipinas at nang lumabas siya sa Centennial 2, ikinagulat niya ang fans na naghintay sa kanyang pagdating.
Hindi yata alam ni Taylor na sanay mapuyat ang Pinoy fans, basta makita lamang nila ng personal ang kanilang mga hinahangaan na artista.
Ginanap kahapon sa Makati Shangri-La Hotel ang presscon ng Bench para kay Taylor. Alam na ngayon ng fans ang hotel na tinutuluyan ni Taylor kaya tiyak na tatambay sila sa lobby para masilayan ang aktor na kanilang hinahangaan at pinagnanasaan.
Stageplay actor na walang habas maghubad ipinasok sa Henya
Introducing sa Ang Huling Henya si Jovic Monsod, ang leading man ni BB Gandanghari sa stageplay na Halik ng Tarantula.
Baguhan na aktor si Jovic pero kinakitaan siya ng husay sa Halik ng Tarantula. Mapangahas ang bagets dahil walang kiyeme na naghubad siya sa stage at sa harap ng maraming tao. Hindi malaswa ang pagÂhuhubad ni Jovic dahil kasali ’yon sa eksena.
Nagpapasalamat si Jovic sa Viva Films dahil isinama siya sa cast ng Ang Huling Henya. Naging supportive sa aktor si Rufa Mae Quinto at ang direktor na si Marlon Rivera kaya nagpapasalamat siya sa dalawa.
Hindi lamang direktor si Marlon. Artista rin siya dahil ginampanan niya ang plastikadang direktor sa Ekstra, ang unang indie movie ni Batangas Governor Vilma Santos. Si Marlon ang direktor ng Ang Babae sa Septic Tank at Ang Huling Henya.
Cesar maaliwalas na ang mukha
Maaliwalas ang hitsura ni Cesar Montano nang mag-taping siya kahapon para sa Akin Pa Rin ang Bukas.
May kinalaman kaya ang balita na si Cesar ang pinili ng kanyang mga anak kaya happy siya? Puwede na bang mag-dialogue si Cesar ng Akin Pa Rin ang Bukas?