^

Pang Movies

Solenn uunahang pakasal si Anne

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Payag si Solenn Heussaff na makatambal muli si Derek Ramsay na ex-boyfriend niya sa isang pelikula. 

“Okay lang, wala naman kaming bad blood with one another. Pareho na kaming naka-move on after the split namin noon,” sabi ni Solenn.

Boyfriend ni Solenn ngayon si Nico Bolzico, isang Argentinian. Hindi pa yata ito nagpo-propose sa kanyang magpakasal pero doon din daw mapupunta iyon.

“I am twenty eight now but I plan to get married at thirty,” diin niya.

So, sino sa kanila ng utol niyang si Erwan Heussaff (boyfriend ni Anne Curtis) ang unang magpapakasal kaya?

“Siyempre ako kasi mas matanda ako sa kanya!” maikli niyang tugon.

Ogie at Regine walang pakialamanan sa trabaho

“Ogie (Alcasid) na, Sharon (Cuneta) pa,” ang come-on ads ng bagong weekly musical show ni Ogie Alcasid sa TV5. Sa primetime slot ito ipapalabas. Nakapokus pa hanggang ngayon sa kanyang birthday concert (25: I Write the Songs) ang singer-songwriter-comedian pero pagkatapos ay haharapin na niya ang musical kay Sharon dahil ipalalabas na ang show sa Agosto 19.

Hindi raw niya pinipilit ang misis niyang si Regine Velasquez na sumunod sa kanya sa Singko. Tini-test yata muna niya ang magiging kapalaran niya sa nilipatan.

 â€œPagdating sa trabaho, wala kaming pakialamanan ng misis ko,” kumpisal ni Ogie.  “Kung saan namin gustong mag-stay, doon kami.”

Charice hindi pa nakikipagkita kay Oprah

 Nasa America pa si Charice ngayon dahil nakatakda siyang mag-perform sa MLB Beacon Awards sa Aug. 24 kung saan naroon din ang Ninang Oprah Winfrey niya at si Aratha Franklin sa selebrasyon ng civil rights sa Tate.

Sa isang interbyu sa kanya, sinabi ni Charice na tiyak na magugulat si Oprah sa kanya dahil matagal-tagal din silang hindi nagkita. Alam na ni Oprah ang tungkol sa kanyang pagiging lesbiana.

May auditions si Charice sa isang Hollywood film at ilang TV shows habang nasa Amerika. Posibling magbalik siya sa isang show gaya ng Glee na nilabasan na niya noon.

 

vuukle comment

ANNE CURTIS

ARATHA FRANKLIN

BEACON AWARDS

CHARICE

DEREK RAMSAY

ERWAN HEUSSAFF

NIYA

OGIE

OPRAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with