Aktres sinupalpal Mga anak ni Sunshine kay Cesar gustong tumira

Mama Salve, heto ang statement ni Atty. Joel Ferrer tungkol sa marital rape case na isinampa ni Sunshine Cruz laban kay Cesar Montano.

Hindi pa ready si Cesar na magsalita tungkol sa demanda ng  sariling asawa pero nakasaad sa official statement ng abogado niya ang kanyang paliwanag.

“The criminal complaint for violation of R.A. 9262 filed by Sunshine Cruz against my client, Cesar Montano, is a mere verbatim rehash of the petition for protection order earlier filed.  It must be recalled that the application for a Temporary Protection Order (TPO) was denied by the court last week though a hearing for the protection order is set on Aug. 15. 

“ Be that as it may, my client vehemently denies the charges and prevarications leveled against him as contained in the complaint of Cruz.  We maintain that there is no truth whatsoever that my client abused Cruz whether physical or verbal.  The marital rape Cruz is alluding to is simply preposterous. 

“From what we know, my client was invited by Cruz to join her and their children for dinner on May 12, 2013, Mothers’ Day.  They had dinner at the Edsa Shangrila Hotel.  Thereafter Montano slept and stayed overnight at the present residence of Cruz.  He left the place the following day. The two even had exchanges of text messages of good nature belying any animosity between them several days after the Mothers’ Day celebration.

“Relative to the custody of the children, it is actually the children’s preference that they stay at their family residence at Tivoli Royale. It is also worth mentioning that Cruz is at liberty to see them anytime whether at the Tivoli residence on in the school where the children go to every single day. It is Cruz’s expressed decision not to go probably due to her hectic work schedule.

“We believe Cruz filed the cases against Montano to gain leverage in her fervent desire to seek an annulment of their marriage.  To this date Montano is exerting earnest effort to preserve their matrimonial bond especially for the sake of their children. “

Hearing nina Claudine at Raymart inabot ng dalawang oras, aktres umupo sa witness stand

Ang kanyang nanay na si Inday Barretto ang kasama kahapon ni Claudine sa hearing ng Permanent Protection Order na hinihiling niya sa korte ng Marikina City.

Ang sey ng aking source, dumalo rin sa hearing si Raymart Santiago.

As usual, mabilis na kumalat ang balita na umiyak si Claudine nang maupo ito sa witness stand dahil sa mga miyembro ng media na nakabantay at nag-cover sa hea­ring ng petition for PPO ng aktres.

Hindi na puwedeng i-deny na may tumatawag sa mga TV crew para sa coverage ng mga pagdinig sa kaso nina Claudine, Sunshine, et al.

Alam na nga ng mga reporter ang pasikut-sikot at lahat ng sulok ng mga court room, kese­hodang hindi sila allowed na pumasok.

Cristine Decena tahimik pa matapos tambangan ng riding in tandem

Nakakaloka naman ang nangyari kahapon sa businesswoman na si Cristina Decena na tinambangan kahapon sa Banawe, Quezon City ng mga suspect na hindi pa nakikilala at nakasakay sa motorsiklo.

Ang sabi ng mga imbestigador, personal ang da­hilan ng pananambang ng riding in tandem sa businesswoman na nakilala sa showbiz dahil naging karelasyon siya nina Phillip Salvador at Ariel Villasanta. Na-link din siya sa action star- politician na si Rey Malonzo.

Tahimik pa ang kampo ni Cristine tungkol sa traumatic experience na naranasan niya kahapon. May mga inusisa ako tungkol sa kanyang kalagayan pero hindi pa sila sumasagot.

Ang nangyari kay Cristina ay isang patunay na wala nang pinipili na oras at lugar ang mga kriminal, lalo na ang mga riding in tandem.

Ekstra pinipilahan

Congrats kay Batangas Governor Vilma Santos dahil pinipilahan sa takilya ang Ekstra.

Kahapon ang unang araw sa mga sinehan ng indie movie ng Star for All Seasons. Inaasahan na madaragdagan pa ang manonood ng  Ekstra, pagkatapos ng office hours.

Mahaba ang pila ng manonood sa mga sinehan ng Ekstra dahil nabalitaan nila na maganda ang pelikula na nagbigay kay Mama Vi ng kanyang unang best actress award mula sa Cinemalaya.

Papa Joseph nawalis ang vendors sa Divi

Love na love ng mga residente ng Maynila si Papa Joseph Estrada dahil sa kanyang bagong achievement, napaluwag niya ang Divisoria dahil umalis ang mga illegal vendor.

Puwedeng-puwede naman pala na  mapaalis ang mga illegal vendor, bakit hindi ito nagawa ng nakaraang administrasyon?

Dalawang buwan pa lamang si Papa Erap sa puwesto pero naipatupad niya agad ang mga batas na dating dinededma ng mga pasaway.

Lalong minahal si Papa Erap ng mga Manileño dahil ginagawa niya ang mga trabaho bilang alkalde ng Maynila. Hindi sila nagkamali sa pagluluklok sa kanya sa puwesto.

Aspiring star puro party ang inaatupag

Walang ginawa ang isang aspiring star kundi ang dumalo sa mga party at gumimik.

Paano matutupad ang dream niya na maging artista kung puro gimik ang kanyang inaatupag?  Bakit hindi niya i-try na mag-enroll sa acting workshop para matuto siya na umarte at dumiretso ang kanyang pilipit na dila?  Hindi passport sa showbiz ang pagkakaroon niya ng mga sikat na  kamag-anak ‘no?

 

Show comments