Bit players binigyan ng dangal!

MANILA, Philippines - Nagbubunyi ang mga extra sa pelikulang lokal. Binig­yan ng dangal sila ni Gov. Vilma Santos noong manalo ng ilang awards sa Cinemalaya Independent Film Festival ang pelikulang Ekstra: The Bit Player. Sila kasi ang inspirasyon ng butihing gobernadora ng Batangas.

Pinuri rin si Ate Vi sa mundo ng indie film na dating inaapi-api lang komo’t barya-barya ang bayad, walang promo, at pakiusapan pa ang presyo.

 Dahil sa Ekstra, may mga kumukuha na ng pelikula na local at international distributors. Wala nga bang reaksiyon ang Noranians?

Bubble Gang nababawasan ng viewers sa pagkawala ni Boy Pick Up

All out na ang energy na pinakakawalan ni Michael V. aka Bitoy para mu­ling mapasaya ang Bubble Gang. Magbuhat kasi ng layasan ni Boy Pick Up na ginampanan ni Ogie Alcasid ay biglang lumamlam ang show at matawa dili ang mga manonood.

Dapat kay Michael V. ay magdagdag ng komed­yante para ipalit kay Ogie. Pero sana naman ’yung artistang may dating o karisma at hindi dahil malakas lang ang manager na magpapasok dito.

Ano kaya ang feeling ni Ogie, ngayong nabalitaan niyang nababawasan ang Bubble Gang viewers dahil nawala siya? Kumpare kasi niya si Bitoy at mag-best friend pa ang dalawa.

Well, sa showbiz ay wala talagang best friends lalo’t security ang pinag-uusapan. Personal interest lahat.

Personal…

Binabati namin si Mark Jayson San Pedro ng San Pedro, Bustos, Bulacan sa kanyang kaarawan sa Aug. 21 at ganun din kina Joven Polintan at Lola Marie Gonzales na magdiriwang ng ika-87 na birthday.                                   

Show comments