Agad nakapag-announce ng suspensiyon ng klase sa elementary level sa lalawigan ng Batangas matapos na malamang ang kanilang probinsiya ay nasa ilalim ng signal number one at inaasahan ang malalakas na ulan. Talagang makikitang hands on si Gov. Vilma Santos-Recto at laging naka-alerto sa mga kailangang gawin sa Batangas.
May isa pa ngang TV newscaster na nagbiro, “Siguro hindi pa natutulog si gob talaga.†Alam kasi ng lahat na may insomnia noon si Ate Vi. Pero simula nga noong hindi na siya masyadong nagsyu-shooting ng mga pelikula, nawala na rin naman ang insomnia niya. Maaga siyang matulog kaya maaga rin siya kung magising.
Nagulat nga kami eh, maski na ang driver ng nasakyan naming taxi noong Linggo ng hapon, biglang binanggit si Vi. Siya raw kasi, ang paniwala niya, dapat si Vi ang tumakbong senador sa susunod na eleksiyon dahil napakaganda raw nang ginagawa noon sa kanilang bayan at dapat namang makinabang ang buong Pilipinas sa ganoong klase ng serbisyo. Later on lang namin nalaman na taga-Batangas pala siya. Idinugtong pa niyang kung kagaya nga lang daw dati na walang limit ang term ng isang pulitiko, sigurado siyang pipilitin ng mga kababayan niyang huwag nang umalis si Vilma sa Batangas.
Iyon ang maganda kay Ate Vi eh. Mataas ang pagtingin sa kanya ng mga tao dahil sa kanyang ginagawa. At iyan ay may malaking epekto rin naman sa kanyang movie career. Kahit na nga hindi siya masyadong nakakalabas sa pelikula, napapanatili niya ang kanyang popularidad dahil maganda pa rin ang naririnig ng mga tao tungkol sa kanya.
Mommy Inday gustong malaman ng lahat na kampi kay Claudine
As expected kampi pa rin si Inday Barretto sa kanyang “niña bonita†na si Claudine. Nagpadala pa siya ng isang open letter sa The Buzz na nagsasabi kay Claudine na bagama’t mukhang hindi umaayon sa kanya ang kapalaran ngayon, nariyan pa rin ang Diyos na tumutulong sa kanya.
Maaaring ipadala na lang ni Inday ang kanyang sulat kay Claudine. Mas lalong maaari rin niyang kausapin na lang ang anak para sabihin ang kanyang pangaral ng personal pero pinili niyang sumulat ng isang open letter at ipinadala pa iyon sa isang malaÂking TV show para malaman ng publiko na nakaÂsuporta siya sa kanyang anak. Iyon ang maliwanag na dahilan kung bakit ginawa niya ang ganun.
Pero iba ang problemang hinaharap ngayon ni Claudine, ang sa kanya mismong pamilya. Ang kawawa ay hindi si Claudine kundi ang kanyang mga anak dahil tiyak na apektado sila anuman ang kalalabasan ng mga kasong kinakaharap ng kanilang mga magulang.
Baklang walang kredibilidad nasa likod ng pamemeke ng FB account
May isang bastos na grupo na gumawa ng isang Facebook account na ang ginamit ay pangalan namin. Bale nag-clone sila ng aming account at iyon daw ang panlaban nila sa kumakalaban sa kanila. Palibhasa ay wala silang credibility kaya kailangan nilang gumamit ng kredibilidad ng ibang tao para makalaban sila. Bakit kailangang gumamit sila ng ibang tao? Bakit hindi nila aminin kung sino sila talaga? Ikinahihiya rin ba nila kung sino sila? Kung sabagay, sa ginagawa nila, dapat talaga mahiya sila.
Ang gumawa ay isang bakla dahil noong ipa-trace namin ang account niya ay puro mga mahahalay na gay sites ang nakalagay sa kanyang “likesâ€. Siguro addict din iyon.