Halatang tensiyonada si Boy Abunda nang magsimula ang interview with Gov. Vilma Santos sa The Buzz last Sunday. Nangapa pa siya at nakalimutan kung paano mag-umpisa.
Mahirap talaga para sa isang Noranian ang makaharap ang karibal ng idolo ng TV host. NaÂdagdag pa ang stress ni Abunda dahil magkalaban ang mga botikang ini-endorse nina Vi at Boy.
Si Vilma ay endorser ng Generics drug store. Nasundan naman ito ng Generika TV ad ni Boy! Kahit paano, mabubuo talaga ang tension sa tsikahan ng dalawa.
Barretto at Santiago puwedeng mag-revive ng Family Feud
Sumali na sa away nina Claudine Barretto at Raymart Santiago ang ina ng aktres na si Inday Barretto. Naglabas ng isang official letter ang maÂder, na siyempre kakampi siya sa kanyang bunsong anak.
Kung si Gretchen ang nakikipag-away, tiyak na deadma lang si Mommy Inday.
Maganda ang timing na ma-revive ang TV game show na Family Feud. For its initial comeback episode, tataas ang rating kung ang mga Barretto ang lalaban sa mga Santiago. Dapat ang mga question na base sa mga survey ay may kinalaman sa ongoing feud ng dalawang pamilya.
Dahil kay Alex o dahil mas matanda?
JC ayaw makatrabaho si Toni
Alam ni JC de Vera na wala siyang karapatang pumili ng mga artistang makakasama sa kanyang first ABS-CBN teledrama. Sabi niya ay masaya siya kahit sinu-sino pa ang kanyang mga co-star. Surely kahit sina Melai Cantiveros at Cacai Bautista, puwedeng i-partner sa kanya.
Pero binanggit din niya ang kanyang tatlong favorite young actresses sa Kapamilya Network — sina Maja Salvador, Kim Chiu, at Sarah Geronimo.
Say ng mga viewer, hindi napilit sabihin ni JC ang name ni Toni Gonzaga na kaharap niya. Dahil ba kay Alex Gonzaga na nabalitang naging girlfriend ni JC noong nasa TV5 sila pareho? Baka naman dahil hindi naman ka-age group ng tatlong pinili niya si Toni.
Dance partner ni Vilma sa misa na sumasayaw
Ang dating favorite dance partner ni Vilma Santos sa kanyang Vilma TV show na si Eugene delos Santos ay active ngaÂyon sa simbahan sa pagtuturo ng pagsasaliw ng sayaw sa Holy Mass ayon sa isang artikulong lumabas.
Isang guro sa Catholic school in Laguna, sumasali rin si Eugene sa pagtatanghal ng mga Misa, ang song-and-dance mass. Meron siyang solo numbers show sa saliw ng kantang Sa Ngalan ng Ama ni Freddie Aguilar.
Goin’ Bulilit hindi na for adults
Pleasant and kind ang napanood naming episode ng Goin’ Bulilit last Sunday evening. Sa simula pa lang ay may intro pang ‘‘Tawagin na ang mommy at daddy upang gabayan tayo sa panonood.
Lahat ng mga comedy skit ay malinis at hindi alanganing iarte ng mga bata. Daig pa ang isang baso ng sterilized milk sa kalinisan. Makatagal kaya ng tatlong buwan ang mga bumubuo ng show with their coordination with MTRCB (Movie and TeÂlevision Review and Classification Board)?
Nawala na rin sa umpisa ang anunsiyong ‘‘For adults also.’’
Kris Bernal hindi pantapat kay Doris Bigornia
Itinuwid ng mga taga-Kapuso Network na hindi pantapat ang Prinsesa ng Masa ng GMA 7 sa MutÂya ng Masa with Doris Bigornia ng ABS-CBN.
Ang bagong show features Kris Bernal at iba ang format nito sa ngayon ay popular nang palabas ng beteranong broadcaster.
Naudlot ang pagbibida ni Kris sa indie film na Ang Tag-Araw ni Twinkle ni Gil Portes, na magbabalik sana sa tambalan nila ni Aljur Abrenica.
Gusto kasi ni Kris, tipong bida/kontrabida ang role na gampanan niya dahil sawa na siya sa pa-tweetums. Kaya gagawin na lang niya ang Prinsesa ng Masa na tunay na hindi puwedeng itapat sa MutÂya ng Masa.