Kara David nawiwili sa pagmo-motor at pagbo-boxing

MANILA, Philippines - Dati si Kara David ang nag-iinterbyu ng mga bata. Pero noong makapag-guest siya sa The Ryzza Mae Show, siya naman itong ininterbyu ng pinakabatang TV host na si Ryzza Mae Dizon. At napansin pa ng bata, parang kinakabahan daw si Kara! Pinayuhan tuloy niyang maglagay ng peso coin sa magkabilang sapatos si Kara at mawawala raw ang kaba.

Ganito kasi ang payo ang madalas na nadidinig ng bata sa mga kasamahan. Ayun, nagaya na niya. Sinubukan naman ng magaling na Kapuso TV reporter at nawala nga ang kaba niya. Marahil din ay dahil sa sobrang tuwa.

Nalaman ni Ryzza Mae na nagmo-motor pala si Kara at mahilig sa boxing dahil ang pagboboksing daw ay nakakaliit ng puson.

Natatakot na tuloy ang ibang guest dahil baka kung anong personal na bagay ang itanong sa kanila ng isang bata na hindi nila masagot. Halimbawa na ang tunay na edad ng isang babaeng artista, lalo’t pa-senior citizen na.

Mga nanay naaalarma sa Goin’ Bulilit

Maraming mga nanay ang naaalarma sa mga lengguwaheng ginagamit ng batang gumaganap sa Goin’ Bulilit bukod pa sa mga ginagampanan nila. Hindi sila dapat paganapin bilang mag-asawa o sumasagot ng hindi tama o pagalit dahil ginagaya ito ng mga batang nanonood. Very disturbing nga namang mapanood ito ng mga bata dahil weekend show pa naman.

Napapansin ng mga nanay na kung sumagut-sagot sa kanila ang mga anak ay pabalang na rin at kapag tinanong kung saan nakuha ay sinasabing napanood sa Goin’ Bulilit. Sana nga ay mabantayan ang show ng mga nasa production.

Abra patutunayan nang tagapagmana ni Francis M.

Sa Aug. 17 ay may major solo concert na si Abra, ang Pinoy rapper na naging sensational sa YouTube, sa Circuit sa Makati City.

Si Abra, na Raymond Abracosa in real life, ang sinasabing tagapagmana ni late Francis Magalona sa mundo ng rap at hiphop music.

Show comments