Sa presscon ng Ekstra: The Bit Player ay natanong din si Gov. Vilma Santos kung posible na bang pagsamahin sila Nora Aunor in one indie film dahil gumagawa na rin ng independent films ang Superstar. Ayon sa Star For All Seasons ay very much willing naman siya pero siyempre depende sa script.
“Kung mabibigyan kami ng magandang script, I don’t think magiging problema ’yun. Hindi naman kami first time nagsama ni kumare kong si Ate Guy. Ilan na, naka-apat na pelikula na yata kami together since we were younger. Ang huli namin ay Ikaw ay Akin. So, hindi imposible.
“Pero sa edad namin ngayon, we’re not getting any younger, we need a good script. Na sa tinagal-tagal namin sa industriya, palagay ko, hindi naman kami dapat mapahiya pang dalawa,†paliwanag ni Ate Vi.
May napabalita dating magsasama silang dalaÂwa sa isang movie under the helm of Brillante “Dante†Mendoza at kasama nga rin daw si Coco Martin. Inamin naman ni Gov. Vi. Na pinuntahan siya ni Direk Dante at kinausap tungkol dito.
“Isa lang naman ang sinabi ko. Sabi ko, ‘Direk, walang problema pero I need the script.’ Pero hanggang ngayon wala namang script, eh,†say ni Gov.
Ayon pa sa bida, ang isang mensahe ng pelikulang Ekstra ay never give up and never lose hope dahil marami rin naman sa mga sikat nating artista ay dumaan muna sa pagiging bit player.
Tulad na lamang daw ni Alma Moreno na dati raw ay nag-extra rin sa naging movie niya dating Tag-ulan sa Tag-araw.
“Si Cesar Montano, extra lang namin ni Boyet (de Leon) sa Broken Marriage. Ikakasal lang siya dun sa kapatid ko na dinaanan lang siya ng camera.
“But where are they now? So, I guess don’t lose hope. May pag-asa. No such thing as walang pag-asa as long as tatrabahuhin mo.â€
Dinagdagan pa nga ni Eric John Salut ang listahan and he mentioned AiAi delas Alas and Angel Locsin na umamin ding naging extra noon.