Iba ang image na napansin sa beauty queen nang minsang makita sa isang malaking event. Pauwi na siya at pasakay ng kotse na inihatid ng kaibigang bading.
Todo pustura ang binibini pero hindi regal ang kanyang ayos at kilos. Parang high class na prostitute ang nai-project niya sa mga nakakita. Kulang na lang silipin ang nasa loob ng kanyang sasakyan at baka may naghihintay na dirty old man, negosyante, o pulitiko na ka-date.
Kahawig pa naman niya ang dalawang international title holders na Pinay na Pinay ang beauty pero hindi niya nagaya ang mala-reynang pag-aayos sa sarili at pinong pagkilos nila. Mukhang malaki na ang nabago kay younger beauty queen kaya rin siguro iniwan na niya ang kanyang mahal. Kaya lang ay wala rin namang nangyari sa napili nyang kapalit na ka-fling. Dahil doon ay baka lalong tumaas pa ang kanyang standards.
Sikat na aktres hindi nagkamali sa desisyong ’wag patusin ang rakistang matagal na manliligaw
Mabuti na lang pala at hindi pinatulan ng isang sikat na aktres ang rakista nung nagpaparamdam pa ito. Medyo matagal din siyang nanuyo.
Kung nagkataong naging sila at nagtagal pa ang relasyon ay baka siya na ang naeeskandalo ngayon. Siyempre makakatiis kaya ang lalaki na hindi “ma-capture†ang kanyang kaseksihan?
Tama pala ang kanyang desisyon na isang responsable at may disiplina sa sarili na sporty ang pinili. Mukhang safe ang aktres at hindi ‘yun ang trip ng dyowa niya.
Nagtatanungan tuloy ang mga nakikiusyoso, may nakatago rin kayang ebidensiya ng matagal na relasyon ng Pinoy rocker sa una at matagal niyang celebrity girlfriend na kahawig pa naman ng current GF? Hindi pa uso ang social media dati pero baka may nakatago pa silang file na posible nang maikalat ngayon.
Concert ng Pet Shop Boys walang ingay
First timer ang Pet Shop Boys na mag-concert sa Pilipinas (noong Aug. 6) pero talbog sila sa promosyon at pag-aalaga sa Fall Out Boy na ikatlong beses nang nakita ng live (Aug. 8) ng mga Pinoy.
Ang tagal na kasing tahimik ng British duo Pet Shop Boys na ‘90s pa nag-hit. Hindi katulad ng mas mga mas bata at Amerikanong Fall Out Boy na nag-lie low man sa eksena ng ilang taon ay bumalik naman with a bang ‘ika nga. May bago kasi silang album at nag-No. 1 pa sa US Billboard ang The Phoenix single nila (kahit mas pop na ang tunog). Ang tagal din nilang mina-market na sa radio stations bago pa sila dumating.
Pero iba ang marka ng Pet Shop Boys kumpara sa istilo ng Fall Out Boy na marami nang katulad sa eksena. Ito ay sa kabila ng katotohanang hindi ako fan kanino man sa kanila.
* * *
May ipare-rebyu?
E-mail: kibitzer.na.nicher@gmail.com