Matagal nang hindi napanood ang Kapuso leading lady na si Kris Bernal sa anumang teleserye ng GMA 7. Kung matatandaan ay ang huling ginawang series ni Kris ay ang Coffee Prince na nagtapos noong November pa.
Pero ngayon ay sisimulan na ang matagal nang pinaplanong pagbibidahan na teleserye na may titulong Prinsesa ng Masa.
Noong nakaraang Aug. 7 ay nagkaroon ng pormal na agreement ang GMA 7 at ang Avon Philippines para sa isang partnership sa pag-produce ng teleserye na Prinsesa ng Masa na magkakaroon ng premiere telecast sa Sept. 23.
Present sa contract-signing ng GMA at Avon Philippines ay ang president and CEO of GMA Network, Inc. na si Atty. Felipe Gozon; Bob Briddon, president for Avon Philippines and Asia Pacific; at ang mismong bida nga ng Prinsesa ng Masa.
Sa panayam kay Kris, masayang-masaya ang aktres dahil nagkaroon na siya ng teÂleserye pagkatapos ng higit na siyam na buwan.
“Akala ko nga abutin ng isang taon bago ako makaÂpag-teleserye ulit kasi nga naman November pa last year ang huli kong show. Kaya mapapraning din ako, ’di ba? Pero nagkaroon naman ako ng maraÂming time with my family. Nakapagbakasyon kami sa Europe for almost a month. Pagbalik ko naman, hindi naman ako nawalan ng guestings.
“Like sa Maynila, the whole month of July, ako ang naging bida sa mga episode nila. ’Tapos dumating nga ang Sunday All Stars. Kelan lang ay nanggaling ako ng Canada na nagkaroon kami ng show doon ni Aljur (Abrenica) para sa Pista sa Nayon 2013 in Montreal,†kuwento ng young actress.
Ikinatutuwa rin niya na siya ang napili para maging bida sa Prinsesa ng Masa. Bagay kay Kris ang istorya na sinulat na na-approve naman agad ng GMA at ng Avon Philippines. Sa mga pinagbidahan naman kasi niyang mga teleserye sa Kapuso Network tulad ng Dapat Ka Bang Mahalin?, All My Life, Koreana, Time of My Life, at Hiram na Puso, nagpakita talaga siya ng kanyang versatility bilang aktres at matataas ang mga naging ratings ng mga nabanggit na show.
“Hindi nalalayo ang kuwento ng show sa mga nangyari sa akin noong sumali ako sa Starstruck noong 2006.
“Maraming pagdadaanan ang chaÂracter ko rito sa Prinsesa ng Masa kaya may mga iyakan ito. Pero may mga kilig moments din kasi kami ulit ni Aljur ang magtatambal.
“May magandang aral sa story ng Prinsesa ng Masa — ’yung huwag kang susuko na maabot ang mga pangarap mo kahit na maraming hadlang. Gusto naming maging inspiration ang kuwentong ito para sa maraming kabataan ngayon,†diin pa ni Kris.