Hindi matutuloy ang paglipat ni Daniel Matsunaga sa ABS-CBN dahil na-discover na hindi pa expired ang kontrata niya sa TV5.
Non-exclusive ang contract ni Daniel sa Kapatid Network at kung magpapaalam siya ng maayos, baka payagan siya ng TV5 management na gawin niya ang project na offer ng ABS-CBN.
Si Daniel na lang ang matibay sa mga Brapanese model na may showbiz career sa Pilipinas. Hindi siya nawawalan ng mga project.
Active pa rin si Fabio Ide pero limitado ang roles na naibibigay sa kanya dahil mas nakilala siya bilang komedyante. Mapapanood si Fabio sa Ang Huling Henya, ang comedy movie na pinagbibidahan ni Rufa Mae Quinto.
Dahil sa exotic beauty, Venus mahirap hanapan ng karakter
Kung papasok na sa showbiz ang beauty queen na si Janine Tugonon, paano na si Venus Raj na ex-beauty queen din pero hindi pa nagkakaroon ng regular show mula nang mawala siya bilang co-host ng Umagang Kay Ganda?
’Di bale na si Shamcey Supsup na puwede nang hindi mag-artista dahil engaged na sila ng kanyang boyfriend na model.
Between Janine and Venus, mas madaling hanapan ng makakapareha si Janine. Masyadong exotic ang hitsura ni Venus at ang ganitong klase ng beauty ang mahirap hanapan ng karakter na gaÂgampanan.
Gayahin na lang kaya nila si Margie Moran na mas pinili ang magkaroon ng private life kesa ipagpatuloy ang showbiz career?
Juday taglay ang gift na lalong gumaganda habang nagkakaedad
Ma at pa ang sagot ko sa mga nagtatanong kung totoo na lilipat sa ibang TV network si Judy Ann Santos.
Isa lang ang alam ko, umaapela ang fans ni Judy Ann na huwag munang tapusin ang Huwag Ka Lang Mawawala dahil habang tumatagal, gumaganda ang kuwento nito. Kasali si Juday sa listahan ng mga artista na habang nagkakaedad ay lalong gumaganda at nagkakaroon ng classy image.
Malayung-malayo siya sa ibang aktres na nalosyang ang hitsura, tumindi ang insecurity sa katawan, at madalas na nasasangkot sa mga eskandalo na sila rin ang may kagagawan. Wala akong binabanggit na names ’no?!
Loyal fans inasikaso ang pagbisita sa Child Haus ni Marian
Belated happy 70th birthday sa PM columnist ding si Nora Calderon. Hindi ako nakadalo sa birthday dinner ni Noi at sure ako na naintindihan niya kung bakit. Give ko na lang siya ng gift of love. Gift love of daw!
Na-miss ko tuloy ang mga sabon na ipinamigay ni Noi sa kanyang invited guests. Na-miss ko rin si Marian Rivera na isa sa mga early bird at nanggaling mula sa sariling birthday celebration kapiling ng mga bata sa Child Haus. Ang loyal fans ni Marian ang nag-arrange ng pagbisita niya sa temporary shelter ng mga bata na may sakit na kanser.
Noong Aug. 8 ang kaarawan ni Noi at sa Aug. 12 naman ang 29th birthday ni Marian.
Taylor Lautner sigurado nang dudumugin ng bagets
Excited na ang mga tagahanga ni Taylor Lautner dahil malapit nang dumalaw sa Pilipinas ang Twilight star.
Darating si Taylor sa Aug. 17 at si Papa Ben Chan ng Bench ang sponsor ng kanyang Manila trip.
Endorser si Taylor ng Bench at bahagi ng kontrata niya ang kanyang meet-and-greet session na magaganap sa gabi ng Aug. 17 sa Mall of Asia Arena, Pasay City.
Mga kabataan ang fans ni Taylor. Mag-expect tayo na dudumugin ng libu-libong fans ni Taylor ang show niya at tatambay sila sa lobby ng hotel na kanyang tutuluyan. What else is new?