Pero hindi na lalayas sa ABS-CBN, Judy Ann ayaw mapunta sa pinaka-huling timeslot, mas piniling ipatsugi ang show para pagbigyan sina Kathryn at Daniel
Hindi lilipat si Judy Ann Santos sa ibang network. Ito ang kinumpirma sa amin ng advertising and promotions head ng Dreamscape Productions na si Biboy Arboleda. In fact, inaayos na ang renewal ng contract ni Juday sa ABS-CBN at kasalukuyan pang nagkakaroon ng pag-uusap sa aktres at sa manager nitong si Alfie Lorenzo.
Pero confirmed na magre-renew si Juday anytime in the coming days at may next project na nga ang aktres sa Dreamscape.
Tungkol naman sa hanggang ngayon ay hindi pa rin mamatay-matay na intriga sa pagtatapos ng Huwag Ka Lang Mawawala na originally ay 13 weeks ang length pero ngayon ay mas umikli pa at naging 12 weeks na lang, ang aktres daw mismo ang nagsabing i-cut short na ito sa 12 weeks.
Inamin ni Biboy na si Juday mismo ang nag-request na kesa ilipat siya sa fourth slot pagpasok ng Got to Believe, mas mabuti nang tapusin na lang ito.
Matatandaang ang original timeslot ng Huwag Ka Lang… ay pagkatapos ng Juan dela Cruz. Nang pumasok ang Muling Buksan ang Puso ay nalipat sila sa third slot pero walang narinig mula sa aktres.
Pero ayaw na ni Juday na mapunta pa siya sa pinakahuling slot ng primetime which is tama lang naman. Kaya kung mapapansin natin ay bumilis ang pacing ng serye dahil nga ginawa na lang itong 12 weeks.
Medyo ikina-upset din daw ni Juday ang pagwawala ng KathNiel fans na siya ang sinisisi sa pagkaka-delay ng Got to Believe.
“May mga nasulat na nagtampo si Juday dahil pinababayaan namin siya. Of course not. Hindi po namin pinababayaan si Juday at alam niya ‘yan. Kaya nga nung nag-meeting kami, sinabi naming lahat at alam din niya kung ano ang totoo, so nag-decide siya at siya mismo ang kumausap sa management na tapusin na to give way to Got to Believe,†paglilinaw ni Biboy.
“Kung talagang walang concerned si Juday sa KathNiel, puwede niyang ipagmatigasan na tapusin muna ang Huwag Ka Lang Mawawala as originally planned na 13 weeks pero hindi. Siya na mismo ang nag-give way,†say pa ng head ng Dreamscape adprom.
Nilinaw din ni Biboy ang tungkol sa tsimis na tinalo ng My Husband’s Lover ang kanilang serye.
“Sa totoo lang, never namang tinalo ng My Husband’s Lover ang Huwag Ka Lang Mawawala. Tingnan nila ang nationwide ratings, hindi ang Mega Manila lang. We’re talking about the nationwide ratings sheet, not just Metro Manila only.
“Admittedly, maingay ang My Husband’s Lover kasi maiingay ang mga beking tulad ko but it doesn’t mean na tinalo na sa ratings. We have all the documents at sana maglabas din ng documents ang kabila. At sa Bibliya ng advertisers, mas marami pa rin ang may gusto sa Huwag Ka Lang Mawawala,†he said.
Vilma umaming maraming palpak at nag-flop na pelikula kahit tambak pa ang awards
Para kay Star For All Seasons Vilma Santos, kahit pa sabihing napakarami na niyang best actress awards, ang pagkakapanalo niya bilang best actress sa Cinemalaya Independent Film Festival para sa pelikulang Ekstra: The Bit Player ay itinuturing niyang napakalaking karangalan.
In fact, say niya, para nga ring first time niyang tumanggap ng award dahil ito nga ang first indie film niya.
May balitang dahil nga siya ang kalaban, marami sa mga nominado rin sa pagka-best actress ay nag-concede na at sinabing wala silang laban sa isang Vilma Santos. Pero kinontra ni Ate Vi ang ganitong attitude.
“Hindi naman porke’t nagka-best actress awards ka, ikaw na ang pinakamagaling. Ang dami ko ring ginawang pelikulang palpak,†pag-amin pa ng multi-awarded actress.
At hindi rin daw porke’t sinabing Box-Office Queen siya, ibig sabihin ay kumita ang lahat ng pelikula niya.
“Meron din po akong flops. At alam n’yo ’yun, Sister Stella L, napakalaking flop. Kasabay ko nun Luluhod ang mga Tala ni Sharon Cuneta. Pinaluhod talaga ang Sister Stella.
“Pero isipin n’yo, hanggang ngayon, ’pag binanggit ang pangalan ko, nandiyan ang Sister Stella L.
“It’s the prestige. So, walang dapat ikatakot. In my case now na more than half of my life ay nandito ako sa industry it’s still a learning process. No such thing as magaling ka na,†pahayag pa ng Star For All Seasons na sinang-ayunan ng lahat.
Ang Ekstra ay tumatalakay sa buhay ng mga umeekstra sa pelikula, mula sa direksiyon ni Jeffrey Jeturian, under Quantum Films, at mula sa distribution ng Star Cinema bilang bahagi pa rin ng 20th anniversary presentation ng film outfit ng ABS-CBN. Showing na ito sa Aug. 14.
- Latest