Kim ignorante sa pakikipaghalikan

Nanginig at kinabahan si Kim Rodriguez sa first screen kiss niya sa afternoon prime na Kakambal ni Eliana with Kristoffer Martin, na napapanood after ng Maghihintay Pa Rin sa GMA 7. Tawa nang tawa si Kim sa pagkukuwento na tinanong pa niya ang acting coach nilang si Ann Villegas kung dapat ba siyang pumikit kapag hinalikan siya. I-feel na lamang niya ang eksena pero wala siyang maramdaman dahil ninenerbiyos nga siya kaya sabi niya kay Kristoffer, bahala na ito sa kanya. 

Wala raw naman siyang worry sa kanyang leading man dahil very gentleman daw. Pero ayaw pang i-preempt ni Kim kung kanino siya mapupunta sa dalawa niyang leading men sa end ng story, kung kay Enzo Pineda o kay Kris­toffer. Last three weeks na lamang ang drama series. 

Sa Aug. 14, Kim will turn 19 years old pero sabay nilang isi-celebrate ni Enzo ang birthday nito (Aug. 12) sa Boys Town, kasama ng mga orphan doon.

Lexi kinalimutan na si Jake, mas pinili ang non-showbiz guy

Hindi naman makalimutan ni Lexi Fernandez na minsan, papunta siyang taping ng Kakambal ni Eliana ay matindi ang naging asthma attack niya, mabuti na lamang kasama niya ang mommy niyang si Maritoni Fernandez kaya nadala siya agad sa ospital. Nararamdaman na kasi niya na susumpungin siya ng hika dahil nahihirapan na siyang huminga kaya nag-panic siya. 

Ayon sa doctor, fatal daw kapag sinumpong ng asthma ay sasabayan ng pagpa-panic kaya tinandaan na raw niya iyon.

Thankful si Lexi kahit super kontrabida siya kay Kim sa kanilang afternoon prime. 

Biniro si Lexi kung magkakabalikan na ba sila ni Jake Vargas ngayong break na ang young actor at si Bea Binene? Wala naman daw babalikan dahil hindi naman naging sila ni Jake. Saka may idini-date na raw siya ngayon, a 19-year-old football player from the University of Asia and the Pacific na non-showbiz pero napakabait. Tanggap pa ang guy ng mommy niya. Hindi nga lamang napilit si Lexi na sabihin ang name ng guy.

Ryan ipinakilala na ang pitong talentado

Last two weekends na lamang at mapapanood na ang grand finals ng Talentadong Pinoy Battle Royale ng TV5 sa Aug. 18 sa Cuneta Astrodome, hosted by Ryan Agoncillo. 

Noong Sunday ay nagkasama-sama na for the first time ang seven grand finalists: Si Laserman, isang illusionist; Spyro Marco na mahusay maglaro ng yoyo; si Sor Apao from Iligan City, na kahit isa nang registered nurse ay ipinakita niyang isa siyang mahusay na singer at wildcard finalist siya from the previous season; Larvae na contortionist group; si Haina ng Doha, Qatar; ang Nocturnal Dance Company; at si Rina Forbes, lounge diva.

 

Show comments