Gretchen sineryoso na ang pagtatakwil ng ina
Masakit din ang sinabi ni Gretchen Barretto noong muli siyang matanong tungkol sa kaso ng kanyang kapatid na si Claudine, na ngayon ay humihingi sa hukuman ng Temporary Protection Order laban sa kanyang asawang si Raymart Santiago, na matagal na palang humiwalay sa kanya.
Sinabi ni Gretchen na wala na siyang pakialam, dahil “I’m no longer part of that family. I have been disowned. My family now is Tony, my daughter Dominique, Marjorie and Jayjay (siblings).â€
Iyong sinabing iyon ni GretÂchen ay bilang tugon din naman sa naging statement ng kanilang ina na si Inday Barretto na nagbitaw ng salita noong kainitan isyu nila sa kanilang pamilya na pinapaalis na siya dahil inakusahan pa nga siyang sumisira sa kanilang pamilya at naglalagay sa kanila sa kahihiyan. Nagkaroon ng kampihan at ang mga magulang niya ay kumampi kay Claudine.
Totoo naman, simula noon ay hindi na nagsalita ng ano pa man si Gretchen. IniwaÂsan na niyang magsalita pa tungkol sa kanyang pamilya, after all, nga naman itinakwil na siya. So, siguro nga talagang dinamdam niya ang sinabi ng ina.
Tama rin naman si Gretchen bagama’t sa kaugalian nga nating mga Pinoy, mukhang hindi maganda ang itinakwil siya ng kanyang pamilya at tinalikuran din naman niya sila. Pero wala na nga siyang choice dahil sinabi na ngang ayaw na nila sa kanya. Mas maganda ngang tumahimik na lamang siya dahil oras na magsalita pa siya ay baka nga sabihing nakikialam pa siya.
Pero ewan lang kung mananatiling gano’n lalo na kung makikita naman niyang kailangan niyang tulungan ang kanyang pamilya. Knowing Gretchen, hindi naman siya ganoon katigas talaga. Basta alam niyang malalagay na sa alanganin ang pamilya niya, iba ang lukso ng dugo eh.
Mga tao sa bayan ni Vilma atat na sa Ekstra
May natanggap kaming e-mail mula sa isang Batangueño na nagtatanong, kailan daw kaya nila mapapanood ang pelikulang Ekstra ng kanilang governor? Sinagot naming siguro malapit na rin, hindi lang namin alam kung ang mga mall sa Batangas ay kasama sa 140 theaters na paglalabasan ng pelikula ng kanilang gobernadora at Cinemalaya Independent Film Festival best actress sa taong ito.
Sabi pa niya, tiyak na magiging malaking hit iyon sa bayan nila sa Batangas dahil mahal nila ang kanilang gobernadora.
Iyon ang sinasabi namin, anumang dami ng mga tagahanga ng isang artista, hindi sapat iyon para gawing isang malaking hit ang pelikula. Kailangan talaga ang suporta ng publiko, iyon ang nakukuha ni Vilma Santos. Doon naman nagkakamali ang iba na ang tinitingnan lamang ay ang kanilang fans na hindi talaga kayang magdala ng isang pelikula.
Walang sumikat na artista na hindi sinuportahan ng publiko. Palagay namin iyon ang naging plus factor ni Vilma kaya hanggang ngayon ay mataas ang kanyang popularidad.
Aktres nag-iiyak habang lasing, laos na ang pakiramdam sa sarili
Naiiyak na naman ang isang aktres habang laÂsing na lasing na mukhang awang-awa talaga sa sarili niya dahil naroroon na ang lahat ng indikasyon na laos na siya.
Una, mas mababa na ang kanyang talent fee kaysa sa ibang artista. Ikalawa, talagang flop na ang lahat ng ginawa niyang proyekto.
- Latest