Rep. Lani gustong ipagbawal ang plastic bag sa buong Pilipinas

MANILA, Philippines - Parang walang kapaguran ang actress-congresswoman na si Lani Mercado. Pagkatapos kasi ng mga gawain sa Cavite, tuloy naman sa taping ng Mga Basang Sisiw. Martir pa ang kanyang kalagayan sa istorya dahil nawalay sa mga anak na akala’y patay na.

Sana makapasa ’yung panukala niyang bawal ang paggamit ng plastic bag kahit saan dahil nagiging sanhi lang naman din ito ng bara sa mga kanal. 

Ryzza Mae tinuruang maging sosyal

Niyakap ng premyadong aktres na si Celia Rodriguez ang pinakabatang TV host na si Ryzza Mae Dizon. Mahilig pala sa bata si Celia at hindi niya akalaing napaka-biba pala ng kumakapanayam sa kanya sa The Ryzza Mae Show. Naloka raw siya sa mga tanong ng bata na kung iisipin ay walong taon lang pero pang-18 years old na ang tema ng mga sinasabi.

Hinangaan ng child star ang malaking singsing na suot ng beteranang aktres. Sinabi niyang kaya lang niya isinuot iyon ay dahil nag-guest sa kanyang show. Hindi raw niya ito ginagamit basta-basta.

Nakakatuwa ang dalawa. Tinuruan ni Celia na magpa-sosyal ang bata maging sa pagsasalita at pagkilos. Sabi ni Celia, marunong na raw kumilatis ang batang si Ryzza Mae. Hindi siya nabigo.           

Show comments