Sayang, hindi nga nakarating si Gov. Vilma Santos-Recto para personal na tanggapin ang kanyang award bilang best actress sa Directors’ Showcase ng katatapos na Cinemalaya Independent Film Festival na ginanap sa Cultural Center of the Philippines.
Hindi naman masasabing hindi niya pinahalagahan ang award. Nagkataon lang na may kailangan siyang harapin noong araw na iyon bilang gobernadora ng kanyang bayan at sinabi naman niya from the start na ang talagang priority niya sa ngayon ay ang Batangas.
Isa pa, sa totoo lang hindi iniisip ni Ate Vi na maÂnaÂnalo siya ng award para sa pelikulang EksÂtra. Ang una niyang consideration nang gawin ang pelikulang iyon ay dahil gusto niyang sa pamamagitan ng isang pelikula ay maparangalan niya ang mga maliliit na mangÂgagawa ng industriya ng pelikula, ang mga extra o bit player, na nakasama niya sa loob na limang dekada ng kanyang career.
Alam namin ’yan dahil ipinaliwanag na lahat ’yan sa amin ni Ate Vi mismo nang kausapin niya kami bago pa man nagsimula ang shooting ng EksÂtra kasi ang sabi nga niya ay alam niya na hindi kami sumusuporta sa mga indie film. Eh talagang hindi dahil karamihan naman sa mga indie film ay puro kahalayan lang ang ipiÂnakikita eh. Tingnan na nga lang ninyo diyan sa kaÂtaÂtapos na Cinemalaya kung ano ang usapan? Hindi ba ang pinag-uusapan ay kung ilang artistang lalaki ang ipiÂÂnakitang nagpapakaligayang mag-isa o may kasama at kung ilang artistang babae ang walang takot ding nagÂhubad?
Pero tingnan ninyo, ang sinasabing kumita ay ang Ekstra ni Ate Vi na wala namang ipinakitang kabastusan. Hindi naman kasi gusto ng karamihan sa publiko ang mga pelikulang bastos. Hindi naman likas na bastos ang mga Pilipino.
Isa pang sinabi sa amin ni Ate Vi, tinanggap niya ang pelikula dahil naniniwala siya na ang mga pelikulang indepenÂdent ay kulang nga sa mga star. Umaasa siya noon na kung gagawa nga siya ng isang pelikulang indie, maÂkuÂkumbinsi na rin ang iba pang malalaking artista (iyong kumikita ang mga pelikula ha?) na gumawa na rin ng indie movie para makalaban naman iyon sa mga tunay na pelikula.
Ikatlo, gusto niyang maranasan ang sinasabing hirap at pasakit ng madalian at mahabang oras ng mga shooting ng indie film para matapos iyon ng labindalawang araw lamang.
Basta ang isang pelikula ay naghingalo sa takilÂya, walang gustong manood, at hindi makapasok sa mga commercial theater circuit, anumang puri ang gawin nila sa pelikula ay basura at kaning baboy ang tingin namin. Ayaw ngang manood ng mga tao eh kasi ang paniwala nila pangit ang pelikula at pangit ang acting ng mga artista. Iyon lang ang dahilan kung bakit walang nanonood ng pelikula nila.
Para sabihin sa amin na maganda ang pelikula, at mahusay ang artista, patunayan ninyo sa amin na magugustuhan iyon ng maraming tao at hindi iilan lamang. Patunayan ninyo na libong tao ang manonood at hindi pipito lamang. Patunayan ninyo sa amin na may mga nagkaroon ng interes na ilabas commercially sa abroad at hindi sa mga hotoy-hotoy na festivals lamang. Dahil kung hindi ninyo mapapatunayan ang ang mga bagay na nabanggit, alam na namin kung ano ang tawag ng mga ngongo sa pelikulang indie. “Mulok.â€