Matagal bago maka-recover sa labis na panghihinayang ang isang aktor. Gusto niya kasing tanggapin ang isang mahalagang papel sa isang indie movie pero pinigilan siya ng kanyang manager.
‘‘Ang pag-build up ko sa iyong career ay hindi para lumabas ka lang sa mga indie,’’ mataray na sumbat sa kanya ng talent manager. ‘‘Ang talent at looks mo pang-mainstream at malalaking produksiyon. Baka kulang pang pang-gasolina mo ang ibabayad sa iyo diyan. Mapapagod ka na, mag-aabono pa.’’
Tahimik na inayawan na lang ng sikat na artista ang magandang offer at ngayon ay naghihintay sa big project na pangako ng manager.
Aktor panay ang pakita sa kawanggawa, sariling anak napapabayaan naman
Mahirap maniwala agad sa mga pakitang tao. Lalo na kung ang mga kadramahan sa publiko, na pagtulong sa mga underprivileged kid, ay parating covered ng mga TV camera at ibang taga-media.
Madalas natin siyang mapanood sa TV na pumupunta sa mga depressed area upang personal na magbigay ng tulong sa mga tsikiting doon. Bilib na bilib nga naman tayo sa kanyang ginintuang puso para sa mga kawawang bata.
Ang eksenang dapat nating makita ay ang pagpapabaya niya sa sariling anak. Ang reklamo ng kanyang dating girlfriend at ina ng bata, hindi man lang maalala ng mabait na ama na magbigay kahit pambili ng gatas at basic needs ng kanyang love son.
Ayan at malinaw na balewala ang hayagan niyang pagkakawanggawa!
Sigaw ng mga bading, Derek mabalian na ng lahat ’wag lang sa sandata!
Nagreklamo si Derek Ramsay na lapitin siya ng disgrasya. Ang kanyang paa, tuhod, braso, ay naapektuhan na ng occupational hazards. Mapanganib talaga ang maging mahusay na action star. You really have to risk life and limb.
Pati nga ang ilong ni Derek, nabali na rin sa pakikipagbakbakan.
“Okay lang ’yon,â€patudyada ng mga fan niyang bading. ‘‘Basta’t hindi lang ang kanyang lethal weapon, ayos pa rin sa amin.’’
Well, hindi kayo nakasisiguro. Baka merong sumobra ang gigil diyan, ’di sinasadyang mabali sa sobrang excitement!
Mo nanggagamit na naman?!
Please lang, huwag nang patulan ang mga pa-rumba ni DJ Mo Twister. Mukhang gusto na namang gamitin si Rhian Ramos upang makabalik sa eksena. Dapat sa mga katulad niyang KSP, magtayo na lang ng burger stand sa Tate.
Bihira kasi sa mga user ang tunay na pinapansin at sumisikat sa ating showbiz scene. Short-lived talaga ang kanilang career dahil hindi naman mga kapatul-patol.
Kung gusto niyang magkaroon ng caÂreer, work hard and do it on your own merits.
Direk Brillante kilalang-kilala na sa canada
Ipapalabas ang Sapi ni Brillante Mendoza sa Vanguard section ng Toronto International Film Festival on Sept. 5 to 15. Bida sa thriller sina Dennis Trillo at Meryll Soriano.
Kilala sa Canada si Mendoza bilang Pinoy master director at ang kanyang mga pelikula ay naipalabas na sa iba’t ibang bahagi ng North America.
Sarah, mabait na anak na tumatandang insecure
Sa dami ng pera, real properties, at patuloy na magagandang trabaho, nakakagulat na tadtad siya ng insecurities sa buhay, sa edad na 25 years old!
Ang pahayag niya, kapag siya’y na-in love (ilang beses na nga ba Sarah Geronimo?) Sana ’yon totoo na. Tiyak hindi na naman magkatotoo ang inaasam mong pag-ibig kundi ka ganap na malaya.
Tunay na masakit sa dibdib kung pati pagtibok ng iyong puso ay may quality control. Para naman hindi ka capable of doing the right things for your own sake. Sinabi ko na noon ito, mahirap ang sobrang mabait at masunuring anak.
Kung minsan naman ay ibigay ang hilig ng katawan o kung ano ang tunay na magpapaligaya sa iyo.