Mukhang si Mark Herras ang nahihirapang maka-move on matapos ang kanilang breakup ni Ynna Asistio. Hindi rin naman nakakapagtaka dahil mahigit na limang taon silang naging mag-on at ang akala ng mga tao ay tuluy-tuloy na iyon. Iyon na nga ang madalas na tinatanong sa kanila noon eh, kung magpapakasal na ba sila.
Wala rin namang duda na in love sila talaga sa isa’t isa, ang problema lang nila ay ang kanilang panahon. Iyon ang reklamo ni Ynna, parang wala na raw panahon si Mark sa kanya.
May panahon namang sinasabi ng iba na bumaÂbaba na ang career ni Mark dahil lahat ng kanyang panahon ay nabubuhos sa girlfriend.
Ang conflict ay mukhang maliwanag eh. KailaÂngan ni Ynna ng company ngayon lalo’t iba na nga ang takbo ng kanilang buhay. You can just imagine, siguro nga hindi na kagaya noong dati na ang tatay niya ang “in powerâ€. Ngayon ay natalo na naman ang tatay niya sa nakaraang eleksiyon. Ang career naman niya ay parang hindi gumalaw dahil sa naÂging problema niya sa maÂnager niyang si Annabelle Rama at ngayon kahit na nga nagkasundo na sila at ini-release na siya sa kontrata, parang wala pa ring nangyayari. Parang nabantilawan tuloy ang career niya. Palagay namin iyon ang dahilan kung bakit naghahanap siya ng panahon ni Mark. Although may balitang lilipat siya sa ABS-CBN pero hindi pa naman natin alam kung ano ang kapupuntahan.
Benjie mas naniniwala kay Raymart kesa kay Claudine
Dahil sa kuwento ni Benjie Paras, lumabas pa ang isang katotohanan, “Matagal na namang hiwalay sina Claudine (Barretto) at Raymart (Santiago).†Pero inamin ng dating basketbolista na alam lang nila iyon pero si Raymart ay hindi kailanman nagsalita o nagkuwento man lamang sa kanila tungkol sa mga bagay na iyon. Tama si Benjie eh, napaka-pribadong tao ni Raymart.
Pero inamin din naman ng komedyanteng si Benjie na nagulat siya nang magsampa pa ng petisÂyon para sa isang Temporary Protection Order (TPO) si Claudine laban kay Raymart. Hindi rin naman kasi siya naniniwala na maiisip ng kapwa aktor at kaibigan niya na saktan ang aktres na misis o sinuman sa kanilang mga anak.
Pero kami, napansin namin. Ang TPO ay mukhang nagagamit ngayon ng mga babae kontra sa kanilang mga asawang humiwalay. Idinadamay din nila ang mga bata. Iyon ang kanilang hold, kung hindi malalapitan ng mga tatay ang mga anak nila, tila nakaganti na sila. Pero paano kung ang tatay ay kagaya ni James Yap na lumaban at ang korte naman ay naniniwala na kailangan ng mga bata ang pagtingin din ng ama?
Mommy Eva naninisi
Natawa kami sa pinag-uusapan sa isang Internet chat. Sinisisi raw ni Eva Cariño-Padilla ang showbusiness sa pagiging bading ni Rustom Padilla na naging BB Gandanghari.
Sabi pa raw ni Mommy Eva, “Kung hindi siya nag-artista, siguro hindi nagkagano’n.â€
Ha? Talaga?