Tumagal ang taping ng isang show dahil sa kakagawan ng isang TV actress na isa sa mga guest na inimbitahan. Bago nga siya isalang sa set ay kinausap na siya ng writers ng show tungkol sa kanyang mga gagawin at ng iba pang kasama niya.
Tango lang daw nang tango si TV actress sa mga writer pero may kausap naman siya sa cell phone. Pakiramdam nga raw ng isang writer ay hindi naintindihan ng TV actress ang kanilang mga sinabi dahil may kausap ito sa kanyang cell.
“Ano naman ang bago sa babaeng ’yan? Noong araw pa naman ’yan puro tango lang. Pero pagdating na sa actual show, hindi niya alam ang gagawin niya. Pupusta ako na hindi niya alam ang gagawin niya kapag siya na ang tatanungin,†giit pa ng writer.
True enough, noong turn na nga ni TV actress, natameme na at walang maisagot na akma sa pinag-uusapan sa show.
Kaya kailangang mag-take ulit sila dahil hindi puwedeng tulala lang siya. Ang masama pa ay sinisisi ni TV actress ang writers dahil hindi raw siya bini-brief. Kaya naloka sa kanya ang staff.
“Bakit kami ang sisisihin niya eh siya itong hindi nakikinig sa amin? Feeling niya magaling siya. Wala naman pala siyang magawa noong siya na ang tinanong. ’Tapos kami ang sisisihin niya? Hindi namin kasalanan kung tanga siya, ’no?!†talak pa ng writer.
Mart pinangangatawanan na walang manager pero stress-free na ang pakiramdam
Hindi namin alam kung nagkita ba o nagdedmahan sa nakaraang event ng YES! magazine si Mart Escudero at dating manager na si Popoy Caritativo. Kung matatandaan ay kumalas ang young actor sa management ni Popoy after seven years dahil sa ilang personal na dahilan.
Si Popoy ang dahilan kung bakit napalipat si Mart sa TV5 mula sa GMA 7 na isa ito sa mga naging winner ng Starstruck Season 4.
Pero sa pakikipag-usap kay Mart, tila masaya naman siya ngayon kahit na wala nga munang nagma-manage sa kanya.
“Wala nang stress. Walang kahit anong negatibo kaya kahit anong mangyari nabibiyayaan pa rin tayo ng Panginoon. Masayang-masaya ako kasi stress-free.
“’Yung pag-alis ko sa manager ko eh ’yun ’yung kinakailangan na talagang gawin. Hindi ko na inisip kung anong kalalabasan ng career ko. Basta ako nagtatrabaho ng maayos. Importante ang pamilya ko hindi mawawala,†diin niya.
Inamin ni Mart na mahirap ang walang nag-aasikasong manager sa isang artista na tulad niya. Pero kakayanin daw niya.
“Mahirap po talaga kasi hindi namin na trabaho ’yun eh. Siyempre ’yung mga koneksiyon manager lahat ang nakakaalam niyan pero sa ngayon suwerte pa rin kasi awa ng Diyos kasi ako ’yung hinahanap eh kaya medyo nakaka-survive kami.
“Marami na kaming nakakausap pero inaantay pa namin na matapos ’yung contract ko sa TV5 kaya minabuti na lang muna namin na saka na lang muna,†rason ng young actor.
Mag-expire nga ang kontrata ni Mart sa TV5 sa January 2014. Pero bukod sa TV ay may gagawin siyang indie film na bawal pang idetalye.
Kristoffer hindi pa uli binibigyan ng trabaho
Nag-last taping day na pala ang top-rating afternoon drama series ng GMA 7 na Kakambal ni Eliana.
Hindi maiwasan ng mga artista ng show na malungkot. Inaamin nga ni Kristoffer Martin na marami siyang mami-miss sa kanilang show, lalo na ang magandang samahan nila na ang turing na nga nila ay isang malaking pamilya.
Wala pang kasunod na show si Kristoffer kaya ang Sunday All Stars ang kanyang pinagkakaabalahan.