MANILA, Philippines - Binasag na ni Raymart Santiago ang pananahimik para mariing itanggi ang mga akusasyon ni Claudine Barretto na humantong na sa pagpa-file ng Temporary Protection Order (TRO) ng aktres nung Lunes. Napilitang magpadala ng pahayag ang 40-year-old actor kahapon sa mga TV news station matapos ang pagpunta ni Claudine sa Marikina Regional Trial Court.
“Matagal akong nanahimik pero dahil sa mga mapanirang akusasyon na ibinabato sa akin, napilitan akong sumagot para na rin sa kapakanan ng mga anak namin,†sabi ng aktor na isang buwan nang hiwalay ng tirahan sa asawa.
“Walang katotohanan na inabuso ko ang ina ng mga anak ko. At bilang ama, hindi ako gagawa ng hakbang na ikapapahamak ng mga anak ko.†Ang mga anak na tinutukoy ay sina Sabina at Santino.
Ang isa sa mga akusasyon na ipinapahiwatig ni Claudine ay ang posibleng pananakit sa kanya ni Raymart matapos lumabas kamakailan sa Instagram account ang larawan na may pasa sa kanang pisngi ang aktres.
Hindi naman klinaro ni Claudine ang rason kung bakit siya humihingi ng TPO sa korte. Ang tangi niyang iginigiit ay para proteksiyunan ang sarili at ang kanilang dalawang anak.
Sa pahayag ni Raymart, idiniin niya na, “Hindi ko siya pinagbuhatan ng kamay. Maraming mga nakakakilala sa akin na makakapagpatunay niyan.â€
Isa ring rebelasyon ang kanyang sinabi na may kapasidad ang kanyang dating asawa na gumawa ng kontrobersiya.
“Marami rin ang makakapagpatunay na may kakayahan siyang gumawa ng kuwento,†sabi ni Raymart.
“Again, I strongly deny her accusations. Lalabas din ang katotohanan. Sasagutin namin ang lahat sa korte sa tamang panahon.â€
Nakatakda sanang mag-hearing ang dalawa kahapon pero parehong hindi nakasipot ang mag-asawa. Sa kasalukuyan ay pinatatahimik sina Raymart at Claudine ng korte na huwag nang dagdagan ang mga pahayag.