MANILA, Philippines - Nakuryente ang mga nagpakalat sa Facebook na tinanggalan ng korona ang Super Sireyna Queen of All Queens ng Eat Bulaga na si Francine Garcia na look-alike ni Kim Chu. Kumpleto kasi sa statement ang post na diumano ay galing sa producer ng show na TAPE, Inc. ang desisyon na bawian ng korona si Francine.
Naloka marahil ang naninira sa grand winner dahil bumulaga sa opening ng noontime show ang Super Sireyna last Monday. Patunay lang na sinibak na siya at ang first runner-up niya ang ipapalit kay “Kim.†???
Humingi kami ng statement sa Bulaga tungkol sa tsismis pero wala pa silang nagagawa. Basta ang text sa amin ng VP for Creative na si Jenny Ferre, tsismis lang ‘yon at walang katotohanan na may sibakan.
Naging normal naman ang presentation last Monday ng EB. Kahapon ay ganoon din ang nangyari kahit na nga pumasok na sa 34 years ang longest running noontime show sa TV. Malamang na gawin ang mas malaking selebrasyon ngayong Sabado dahil bibihira ang isang show na aabot ng 34 years sa telebisyon, huh!
Candy hindi naghahangad na magbida
Matiisin talaga ang dating sa amin ni Candy Pangilinan. Kahit ilang taon na siya sa showbiz, never siyang nag-demand na magkaroon naman ng launching movie bilang komedyante.
Huling nagbida si Candy sa Apat Dapat. Pero never niyang ipinasok sa utak niya ang pagbibidang ‘yon upang hindi tumanggap ng supporting roles gaya ng role niya sa Ang Huling Henya na pinagbibidahan ng kaibigang si Rufa Mae Quinto.
“Hindi naman ako mapaghangad na tao. Basta ba okay naman ang role at swak sa akin, keri ko namang maging support na lang. Kung may dumaÂting na lead role, aarte pa ba ako? As of now, hindi ako mareklamong tao. Hangga’t hindi dumarating ang oras na ‘yon, dito muna ako sa pag-support kesa naman nganga ako sa kawalan ng trabaho,†pahayag ni Candy.