^

Pang Movies

Empress binagayan ng pagiging malandi

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Piling-pili na lang ang mga sinehan na nagpapalabas ng Tuhog pero kung may pagkakataon na mahabol pa ninyo ang pelikulang ito nina Eugene Domingo at Jake Cuenca ay gawin na.

Umiikot sa apat na tao ang malungkot na masayang istorya ng karakter nina Uge, Jake, Leo Martinez, at Enchong Dee. Maraming nakatatawang eksena na sinasabayan ng kirot ng reyalidad sa buhay.

Pinoy na Pinoy din ang ibang sangkap katulad ng pagiging panadero ni Tonio (Leo), pagka-tsuper ni Renato o Nato (Jake), at pagko-konduktor ni Fiesta (Uge) na sa kasamaang palad ay nag-iisang dalagang anak ng lasenggero at suicidal na tatay (Noel Trinidad). Maliban na lang sa pang-bagets na problema nina Caloy at girlfriend na si Angel (Empress) dahil parang naimpluwensiyahan naman sila ng western films.

Refreshing ang dating ng mukha ni Empress tuwing nako-close up sa big screen at napakabata niyang tingnan kumpara sa TV shows niya na pinagma-mature siya ng makapal na makeup at maaarteng damit.

Ganun din ka-refreshing ang pagdidirek at pagkakasulat ng script ni Veronica Velasco na ang pinakamahirap yata niyang shoot ay ‘yung habulan ng dalawang bus na minamaneho ni Nato na pasahero si Caloy.

Sinasabayan nila ang sasakyan ni Angel para makapag-sorry si Caloy hanggang maaksidente at magkandatuhug-tuhog sa bakal sina Fiesta, Tonio, at Caloy dahil sa bilis at walang ingat na pagmamaneho ni Nato. Pero may mga eksenang hindi nabantayan ni Direk Veronica, ‘yung mababagal na comic timing ng ibang karakter.

Magaling si Rodjun Cruz bilang kaibigan na pilyo ni Caloy. Sayang at hindi siya masyadong pinapaarte sa telebisyon at pelikula. Kahit ‘yung isa pa nilang kaibigan ay magaling din. Natural silang tatlo na umarte nina Enchong.

Sa bandang huli ay isang buhay ang nawala kapalit ng isang bagong nilalang. Dark comedy ang Tuhog kaya ‘wag nang manghinayang kung hindi happy ending ang kuwento ni Fiesta.

Transit ni Jasmine dinadagsa rin sa Cinemalaya

Totoong dinudumog ang ika-siyam na Cinemalaya Independent Film Festival hindi lang sa orihinal na venue nito - ang Cultural Center of the Philippines (CCP).

Nung nakaraang Sabado ng gabi ay pila rin ang maraming tao sa Greenbelt 3 sa Makati City, isa sa mga Ayala cinema na pinagtatanghalan ng Cinemalaya entries.

Nakakagulat malaman na ang Ekstra ni Vilma Santos nung araw na iyon ay sold out na raw, pati pa sa susunod na araw (Linggo).

Ang Transit naman na pinagbibidahan nina Ping Medina at Jasmine Curtis Smith ay marami ang bumibili para sa advanced schedule na.

May mga nagpapa-reserve rin sa Instant Mommy ni Eugene Domingo na mga kalalakihan pa. Walang ingay ang Cinemalaya entry ngayong taon ng komedyante na halos magkasunod lang sa Tuhog ang labas pero ang mainstream film ang nai-promote niya at hindi ang indie film.

Pero ang malaking sorpresa ay ‘yung Transit dahil aakalain bang ‘yung isang bumili na para raw sa boss niya ay 15 tickets? At ang screening ay para sa Aug. 2 pa. Iisipin nating maaaring mga estudyante lang ng filmmaking ang bulto kung bumili dahil kailangan nila pero hindi pala. Kahit mga nag-oopisina ay nagpapa-reserve ng marami.

Ayon kay ate, na napag-utusan lang ng kanyang amo, malayo sa kanila ang CCP dahil sa Makati sila nagtatrabaho. Oo nga naman, bakit lalayo pa? Hindi na lang niya sinabi kung anong office sila.

Sa mga nakaranas nang manood sa CCP ay masasabing mas komportable at maaliwalas pa nga ang mga Ayala cinema. Kapag nagdagsaan kasi ang mga estudyante sa CCP ay nagmimistulang Divisoria ang lobby ng malaking istraktura.

Isa pa, nasa CCP lang ang mga pinagnanasaang mapanood na adult film entries na may mga frontal nudity at baka may pumping scene pa. Wala ito sa Ayala cinemas na hanggang pang-R 18 lang pupuwede. Mahirap lang isipin na may easy access din ang mga menor de edad sa pang-adult na pelikula dahil hindi naman naghihigpit ang Cinemalaya.  May ipare-rebyu? E-mail: [email protected]

ANG TRANSIT

AYALA

CALOY

CINEMALAYA

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

EUGENE DOMINGO

LANG

TUHOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with