Nagpa-interview pa sa TV si Billy Crawford, wala namang binigay na info tungkol sa breakup nila ni Nikki Gil. Nag-inarte lang at umiyak-iyak na tila tunay na nagdaramdam.
Sa sitwasyon ng biglang hiwalayan, siyempre ang simpatiya ng tao na kay Nikki Gil. Unblemished kasi ang reputation ng singer/actress as a good and faithful lady.
Maraming speculations na lumalabas ngayon against Billy Joe. Sa almost five years nilang relasyon, ilang ulit na lumabas na may hinalang third party sa side ng singer/TV host.
Pati tuloy si Sarah Geronimo, nakaladkad sa tsismis dahil sa breakup nina Billy at Nikki. Kumalat ang usapan na nililigawan ni Billy si Sarah G.!
Say pa ng mga pakialamera, ‘‘over Mommy Divine’s dead body.’’ Hindi papayag ang strict mader na lumigaw sa kanyang anak ang isang tulad ni Billy.
Pinipilit ni Billy sa interview he is lost. Baka totoo, he is lost, in the arms of someone new!
At never papayag si Sarah G. na magpapel o tawaging kontrabida. Hindi niya guguluhin ang isang relasyong mahigit na apat na taong matatag. Kahit biglang napunta kay Cristine Reyes si Rayver Cruz, at labis nasaktan ang singer/actress, ayaw niyang masaktan ang kapwa niya babae.
Pinigil niya ngang magki-on with Gerald Anderson dahil hindi siya tiyak kung break na talaga ang aktor at si Kim Chiu. ’Di ba’t nasira ang friendship nina Kim at Maja Salvador nang tanggapin ng huli ang dating boyfriend ng kanyang best friend?
Aktor nagtatago sa mga pinagkakautangan sa mga ginasta noong eleksiyon
Bukod sa hindi mahagilap sa kanyang bahay ang isang actor na natalo sa election last May, kahit sa kanyang cell phone ay hindi siya makausap.
Marami kasing pinagtataguang pinagkakautangan sa mga ginasta niya sa kanyang kandidatura. Pati ang mga taong nangako ng suporta sa kanya, biglang naglaho at nag-iwan pa ng dagdag na tango (utang).
Isang maliit na printing press, kung saan nilimbag ang kanyang campaign materials, na sana hulugan man lang, ang mahigit isang milyon na bayarin ng akÂtor. Isang kaibigan ng aktor ang nagpasok ng mga prinÂting order pero nang hindi magwagi ang tinulungan ay tumakas na sa obligasyon.
Baka hindi naman pananagutan ng aktor ang siniÂsiÂngil dahil hindi siya ang nakapirma sa invoice. Sabi nga ni Atorni Agaton, walang nakukulong sa utang. Harapin lang ito at kahit mangako na lang nang mangaÂko na magbabayad!
Joel Torre waging best actor sa South Korea filmfest
Congratulations to Joel Torre who won the best actor award in the recently concluded Puchon International Fantastic Film Festival in South Korea for the movie On the Job, directed by Erik Matti.
Ang pelikulang tinampok sa nakaraang Cannes International Film Festival Directors’ Fortnight ang nagwagi ng jury’s choice award. Ipalalabas na sa ating bansa ang On the Job sa Aug. 28 at nakatakda ang playdate nito sa mga mainstream cinema sa USA, Canada, at France. Kasama sa award-winning film sina Piolo Pascual, Gerald Anderson, at Joey Marquez.
Pusong Wazak panalo sa Puchon
Isa pang entry from the Philippines, ang Pusong Wazak (Ruined Heart) ang nanalo ng It Project Award sa Puchon filmfest in South Korea. Likha ito ni Director Khavn dela Cruz na tumanggap ng almost US$9,000 na premyo.
Ang Pusong Wazak ay tungkol sa pag-ibig ng isang kriminal at call girl.
Pet Shop Boys nagpo-promote lang ng bagong album pero magko-concert na napakamahal ng tickets
Nakagawian na ng mga local promoter ng foreign act live shows na pagkakitaan ang mga promo tour ng mga sikat na foreign artists. Pupunta lang sa ating bansa para i-promote ang isang bagong album, magbabayad pa tayo ng mahal upang mapanood ang kanilang promo tour!
Tulad ng Pet Shop Boys na kalalabas lang ang kanilang 12th album na My Mind and Heart, na gusto nilang mabili ng mga Pinoy.