JC pumirma na sa Kapamilya

Kumalat kahapon ang balita tungkol sa pagpirma ni JC de Vera sa ABS-CBN. Good for him dahil magkakaroon na ng ba­gong sigla ang kanyang ac­ting career pero misteryo pa rin kung sino ang nag­dala kay JC sa Kapamilya Network. Wa­lang aamin dahil afraid sila kay Annabelle Rama na resting pa ang beauty mula pa noong May.

Hindi pa nakikipag-usap si Annabelle sa mga reporter na gustong mainterbyu siya tungkol sa pag-alis ni JC sa kanyang poder. Knowing Bisaya, hindi siya affected. Si Annabelle pa?

Althea mapangahas

Ang sabi ng mga nakapanood sa Amor y Muer­te, kahawig ni Ryzza Mae Dizon si Althea Vega, ang morena beauty na bida ng pelikula. More or less, may idea na sila sa magiging hitsura ni Ryzza Mae kapag lumaki... este nagdalaga ito.

Mapangahas si Althea sa Amor y Muer­te dahil hindi siya natakot na ipakita ang kanyang hubad na katawan. Soft porn ang tawag ng mga nakapanood sa pelikula dahil sa dami ng mga sex scene.

Naghubad din sa Amor y Muerte si Markki Stroem na kilala ko ng personal dahil sa aking best friend na si Pinky Tobiano. ’Yun nga lang, wah feel ng mga reporter si Markki dahil may amnesia ito as in hindi marunong makatanda sa mga tao na ipinakilala sa kanya at madalas na nakakahalubilo. Marami sa showbiz ang kagaya ni Markki pero hindi sila nagtagal sa industriya dahil sa kanilang amnesia.

Nikki hinihintay nang isambulat ang mas malalim na rason sa pakikipaghiwalay ni Billy

Hinihintay ang sagot ni Nikki Gil sa madamdamin na interbyu ni Boy Abun­da sa kanyang ex-boyfriend na si Billy Crawford. Imposibleng hindi maiyak si Nikki kapag ito ang nagsalita sa TV. Kung si Billy nga na kalalaking tao ay naging emosyonal, si Nikki pa kaya?

Tanging ang dalawa ang nakakaalam sa tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay. Kahit inako ni Billy ang pagkakamali, knows ng mga tao na mas may malalim na reason na puwedeng hindi na nila malaman dahil edited na ang ikukuwento ng ex-lovers sa publiko.

Show comments