Billy nagsalita na sa pakikipag-break, desisyon na bitawan si Nikki!

The show must go on for Billy Crawford and Nikki Gil kahit pa sabihing kabe-break lang nila. Napanood namin sila kahapon sa ASAP 18 and they seemed to be okay habang nagpe-perform ng kani-kanilang production numbers.

As we all know, just a few days ago ay pumutok ang balitang tinapos na nina Billy and Nikki ang kanilang more than four years relationship at kinumpirma na rin ito ng mga taong malalapit sa kanila kabilang na ang ALV Talent Circuit na siyang nagma-manage ng kanilang career.

Ibinahagi ni Ogie Diaz last Saturday sa Showbiz Inside Report ang kanyang pakikipag-usap kay Billy sa telepono at sinabi ng singer/dancer na gusto niyang maging masaya ang ex-girlfriend.

“Kanina, si Billy, sabi niya, ‘Gusto ko masaya siya. Sabi ko, ‘Pag gusto mo si Nikki masaya, dapat mas masaya ka, kasi ‘yan ang naging desisyon mo para sa kanya,” kuwento ni katotong Ogie.

Apparently ay si Billy ang nag-initiate ng breakup at kung ano ang tunay na dahilan ay hindi pa nati0n alam.

Nilinaw naman ni katotong Ogie na wala raw third party involved sa breakup.

Ang paghihiwalay nina Billy at Nikki ay gumulat sa buong showbiz dahil ang relasyon nila ang isa sa matatagal na relationships sa showbiz and many thought na sa kasalan na ito mauuwi.

Kim, player ang tingin sa lalaki

Dahil nga ang karakter ni Kim Chiu sa Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? ay isang babaeng grabe kung ma-in love to the point na willing siyang gumawa ng first move sa lalaking mahal niya, natanong ang young actress kung in real life ay kaya rin ba niya to make the first move sa isang guy.

Deretsang sabi ni Kim, “Hindi ko kaya. Hindi ko kaya talaga.”

Aniya, ibigay na lang sa ibang girl ’yun dahil hindi niya keri talaga.

“Kung ang lalaking ’yun para sa akin, magkikita at magkikita kami,” dagdag pa niya.

Sa kuwento ng movie ay nakaranas na rin ang female lead character ng kasawian sa pag-ibig tulad din niya in real life. Naka-relate ba siya sa parteng ’yun?

“Lahat naman po tayo dumaan sa heartbreak. ’Pag hindi tayo dumaan dun, hindi tayo matututo. Hindi tayo tatayo ngayon kung ano tayo.

“Oo naman po. Naka-relate ako at hindi lang po ako ang makaka-relate sa movie na ’to. Maraming babae kasi po, sobra kung magmahal. ’Yun nga, sabi nga sa trailer, bakla kung magmahal,” pahayag ni Kim.

Sabat naman ng leading man niyang si Xian Lim, “Bakit, kami rin namang mga lalaki, sobra kung magmahal ah?”

Kim answered back, “Ang mga lalaki, minsan, player.”

Nagsigawan tuloy sa sinabi ni Kim at kinantiyawan siyang mag-name names.

Kumontra ulit si Xian at say niya, “Hindi naman lahat”.

Sagot na naman si Kim: “Hindi. Ang mga babae talaga sila ’yung mas seryoso. Basta, abangan na lang nila ’yung movie. Madami silang matututunan na ways na kung paano magmahal ng sarili and kung paano mag-move on.”

Speaking from experience kaya si Kim?

Anyway, showing na sa July 31 ang pelikula under Star Cinema mula sa direksiyon ni Joyce Bernal. Kasama rin dito si Kean Cipriano.

 

 

Show comments