Pinayuhan ang isang young actress na idemanda ang kanyang sariling ama. Minsan ay pansamantalang nawala ang kanyang ATM card. Nang bumalik ito sa kanyang taguan, agad nilang na-check ang balanseng pera. Malaking halaga ang na-withdraw sa kanyang ipon!
Ang hinala nilang lahat, ang kanyang tatay na nalulong sa online gambling at iba pang sugal ang may sala. Sa kanila kasing bahay, tatlo silang nakakaalam ng ATM PIN (personal identification number) ng sikat na artista — ang kanyang ina’t ama at ang aktres.
Ayon sa kuwento, madalas nakababad sa online gambling venue ang kanyang pasaway na tatay. Maaaring naubos agad ang bigay niyang allowance kaya’t ang ATM deposit niya ang napakialaman!
Alex Santos hindi na mahagilap pagkatapos mag-resign sa Kapamilya
Nagtanong muli ang fans ng sikat na broadcaster na si Alex Santos kung ano ang nangyari sa dating ABS-CBN anchor and reporter. Dati ay inaabangan siya sa Umagang Kay Ganda at nagiging pinch hitter sa mga news program na on leave ang male anchor.
Ang huling narinig namin tungkol kay Alex, nag-resign siya sa Kapamilya. Sabi pa ng informer, siya ang nagkusang umalis sa kanyang home channel nang magkamali sa isang news report.
Hanggang ngayon kasi ay hindi pa natin napapanood si Santos sa ibang network. Baka naman nasa abroad na siya at doon na nagtatrabaho. Puwede naman siyang maging broadcaster sa Singapore o Malaysia na maraming mga English news program o may mga branch ang mga international news channel tulad ng CNN at BBC.
Yeng atat nang pakasal
Yeng Constantino will surely be writing more songs, but very different themes and melodies. Mararamdaman din natin sa mga bagong kanta ang malaking pagbabago ng pag-ibig sa kanyang buhay.
Ang feeling ni Yeng ngayon, tunay na babaeng-babae siya at kulay rosas ang paligid. Nadarama niya ang pagmamahal at pag-alaga sa kanya ng boyfriend na si Victor Asuncion. Kaya kapag niyaya siyang magpakasal, hindi na siya magpapatumpik-tumpik pa. Yes agad ang sagot ni Yeng na handa nang mag-march down the aisle sa edad na 24 years old.
Pinoy musicians nagra-rally laban sa China pero sariling career hindi maiangat, apela ng fans sarili muna ang asikasuhin
Meron naman kayang mangyari sa mga rally ng bagong tatag na grupong Filipinos Unite (FU), composed of musical artists from the States?
Kasama sa pangkat sina Billy Crawford, Jay-R, Roxanne Barcelo (Roxee B), Kris Lawrence, Mica Javier, Eric Tai, among others. Recently, nasa harap sila ng Chinese Embassy upang ipakita ang pagtutol nila sa pag-bully ng higanteng bansa sa Pilipinas.
Gusto ng FU ng mapayapang pagbabago sa mundo. Opinyon naman ng isang mataray na observer: ‘‘Naku, gawan muna ng paraan na umasenso ang kanilang mga career bago sila maging credible na makagawa ng tunay na pagbabago sa ating bansa at sa daigdig!â€
Gaganap na Queen vocalist sa pelikula umatras, ’di kasundo ang direktor
Lumayas na ang rock band lead singer na si Freddie Mercury, si Sacha Baron Cohen. Si Mercury, na aminadong gay noong nabubuhay pa at umawit ng hit songs ng banda tulad ng Bohemian Rhapsody at We are the ChamÂpions, ay namatay sa sakit na AIDS.
Si Cohen na isang British ang gaganap sana sa papel na Freddie Mercury sa pelikula. Umalis siya sa project dahil hindi nagkasundo sa ilang bagay na pinagagawa sa kanya, sa paraang gusto ng direktor nito.
PMPC at HoM nagkatugma sa layuning magka-PhilHealth
Nagkatugma ang layunin ng mga project ng Philippine Movie Press Club (PMPC) at ng Heart of Music (HoM). Tapos na ang benefit show ng PMPC, samantalang gagawin na lang ang isang fundraiser ng HoM upang makatulong sa kanilang music artist members.
Ang proceeds ng dalawang shows, ibabayad sa membership fee ng PhilHealth.
Naging very successful ang PMPC show kaya’t kasalukuyang nagpa-file na sila ng membership forms sa PhilHealth, kasama na ang kaukulang fee para sa isang taon. Ang HoM naman ay ganito rin ang gagawin after their show.