^

Pang Movies

Aktor N hindi pang-tunay na lalaki ang kilos, tulad din ni aktor L

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kinabubuwisitan ng press ang aktor na si N dahil super project ito sa harap ng kamera at de-numero ang kanyang mga kilos at salita kapag nakikipag-usap sa mga reporter.

Ang feeling ng press, true ang tsismis na may pagkabaklita ang aktor dahil hindi ugali ng isang tunay na mhin ang kanyang inaasal. Pareho sila ni actor L na may acting ang mga kilos kahit wala siya sa harap ng mga kamera.

Iniiwasan ng mga reporter na interbyuhin si L dahil feeling sikat at magaling ito.

Bayan ng misis ni Erap sunud-sunod ang barilan

Shocking naman ang nangyari sa asawa ni Karen Martinez na si Louie.

Kilala ko si Louie dahil personal assistant siya ni Willie Revillame.

Kaibigan si Karen ng maraming artista at mga reporter na na-shock dahil binaril ng holdaper ang kanyang asawa.

Nangyari ang krimen noong Biyernes, in broad daylight. Nakasakay sa motor ang suspect na bumaril kay Louie at nagtangka na kunin ang kanyang cell phone. Older brother si Louie ng aktor na si Bene­dict Aquino.

Nakakaalarma ang pamamaril kay Louise dahil sunud-sunod ang ganitong insidente sa bayan na pinamumunuan ni Mayor Guia Ejercito.

Sana naman, huling biktima na si Louise sa San Juan City. Namamayani na ang takot sa mga residente ng San Juan dahil parang wala nang kinatatakutan ang mga masasamang loob.

Ryzza Mae napaniwala sa may-ari ng GMA

Natawa ako sa kuwento na ipinagta­nong pa ni Ryzza Mae Dizon kung sino si Butch Francisco nang mag-judge ito sa Super Sireyna segment ng Eat Bulaga.

Itinanong din ni Ryzza Mae kung ma­ya­man si Butch at nanglaki ang mata ng bagets nang sabihin sa kanya na si Butch ang may-ari ng GMA 7.

Ineklay lang si Ryzza ng kanyang mga kausap pero naniwala siya na si Butch ang owner ng GMA 7.

Knowing Butch, paninindigan niya ang pang-eeklay na ginawa sa Aling Maliit.

Cinemalaya popular na kahit sa labas ng CCP

Happy ang organizers ng Cinemalaya Independent Film Festival dahil sa positive reports na natanggap nila na tinangkilik ng moviegoers ang mga pelikula na ipinalabas kahapon sa selected cinemas ng Trinoma sa Quezon City at Greenbelt sa Makati City.

Napatunayan ng organizers na may following na ang Cinemalaya films dahil inaa­bangan ito ng manonood.

Ang mga indie movie na Ekstra, Debosyon, at Babagwa ang ilan sa Cinemalaya entries na popular sa publiko.

 

ALING MALIIT

BUTCH FRANCISCO

CINEMALAYA

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

DAHIL

EAT BULAGA

KAREN MARTINEZ

RYZZA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with