^

Pang Movies

Vilma muntik nang sumuko sa Ekstra

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Inamin ni Governor Vilma Santos na sa lahat ng pelikulang ginawa niya ay sa indie film na Ekstra siya nahirapan at napagod. Paano nga, kailangang magtrabaho siya nang napakahabang oras sa set ng pelikula at pagkatapos ay kailangan niyang harapin ang trabaho niya sa kapitolyo ng Batangas. Inamin ni Ate Vi na may pagkakataong gusto na niyang sumuko pero alam niyang hindi puwede dahil naghahabol nga sila ng playdate para sa Cinemalaya Indepen­dent Film Festival. Bukod pa sa ipalalabas ang pelikula sa mga commercial theater sa second week ng August.

Pero sinasabi nga ni Ate Vi, kahit na nahirapan siya sa mahabang oras ng trabaho, hindi naman siya nagsisisi dahil napakaraming bagay niyang natutuhan habang ginagawa ang Ekstra. Marami rin siyang nakilalang mga tao na siya namang nasa industriya ng pelikulang independent na hindi niya nakilala sa loob ng limampung taon niya bilang isang artista.

Para sa kanya, napakaganda rin nang nangyaring sa loob ng limampung taong artista siya ay lagi nga siyang bida sa mga pelikulang ginawa niya pero sa kauna-unahang pagkakataon ay natikman niya ang maging isang extra, dahil talagang hindi niya inisip na bida siya sa pelikulang ’yun kundi isa talaga siya sa mga ekstrang naroroon.

Nagkaroon din siya ng pagkakataong makasalamuha talaga ang mga tunay na extra. Natatawa nga ang Star For All Seasons habang ikinukuwento na kasama niya ang anak ng isang dating dumo-double sa kanya sa mga action scene na ginagawa niya noon, kabilang na ang mga seryeng Darna. Ngayon ang anak ng ekstrang iyon ay dumo-double na rin kay Ate Vi.

Isa pa, nasabi nga ng gobernadora na isang bagay din ang napatunayan niya, na ang kanyang pagiging artista ay hindi puro pera lang. Noon ay marami ang nagsasabing imposibleng gumawa siya ng isang pelikulang indie dahil malaki nga ang kanyang talent fee at wala namang indie producer na magbabayad ng napakalaki. Pero dahil nagustuhan nga niya ang material, ginawa niya iyon nang walang usapang talent fee. Ginawa niya iyon out of her love para sa industriya ng pelikula.

Pero early next month, makikipag-usap na siyang muli para sa isang mainstream movie na gagawin naman pero siguro nga raw sa susunod na taon na iyon maipapalabas.

ATE VI

CINEMALAYA INDEPEN

EKSTRA

FILM FESTIVAL

GOVERNOR VILMA SANTOS

INAMIN

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with