Kathryn nagsalita sa pagpabor sa serye ni Julia kesa sa kanila ni Daniel!

At 17, sobrang nagpapasalamat si Kathryn Bernardo sa lahat ng blessings na dumarating sa kanya, latest of which ay ang pagkakakuha sa kanya bilang brand ambassador for Juicy Cologne.

Sa press launch kahapon para sa nasabing pro­dukto, sobrang saya niya na siya ang pinagkatiwalaan para maging endorser ng Juicy Cologne.

 â€œSobrang dami ng artista na puwede nilang piliin and then ikaw ’yung pinagkatiwalaan nila to endorse the product and to promote it? I’m very thankful po talaga sa lahat ng blessings na dumarating ngayon,” sabi ni Kathryn.

Sa sobrang dami ng commitments ngayon, paano niya nahahati ang oras at paano pa niya naisasabay ang kanyang pag-aaral?

“Kinakaya ko pa naman siya. Actually, basta ’pag Tuesdays, after ng morning class ko, puwede na akong dumiretso sa work and then ’pag Saturdays, as in block-off ’yun, for my school lang the whole day. And wino-work out din naman with the production, with the schedule. Okay kasi lahat sila tumutulong para mapagsabay ko ’yung school ko with my work. So, ayun, kinakaya ko naman sa ngayon,” saad ng teen star.

Kaya nga raw walang-wala siyang time para gu­i­mik pa o ’yung mga the usual happening na gina­gawa ng mga teenager pero okay lang naman sa kanya at iniisip na lang niya na ang lahat naman talaga ng bagay ay may kapalit na sacrifice.

“Feeling ko, lahat ng blessings ngayon, ’yun (gi­mik) talaga ang kailangang i-give up and feeling ko naman kung social life lang ang hinahanap ko nandito na ’yun sa trabaho ko. So, hindi ko na rin kailangang hanapin. Hindi rin naman ako ma­gimik,” sabi ni Kathryn.

Pagdating naman sa usaping pinansiyal o sa mga income niya bilang artista, dahil 17 years old pa lang naman siya, ay ang mommy niya ang nagma-manage ng kanyang pera dahil hindi pa rin naman niya kaya.

“Pero sinisigurado naman din niya na mayroon akong allowance for my shopping minsan o kung ano ’yung gusto ko. Pero hindi naman parati. Alam mo ’yun? ’Pag you work hard for it may reward naman,” she said.

Samantala, naitanong din kay Kathryn kung ano ang reaksiyon niya sa pagkaka-delay ng airing ng Got to Believe na teleserye nila ni Daniel Padilla.

“For me, I think, binigyan lang kami ng longer time para lalong mapaganda ang project saka para mas magkabangko kami kasi medyo hindi pa marami ‘yung nate-tape namin. And I think ’yung management alam nila ’yung right time kung kelan talaga kami puwedeng ipasok. Pero I think, very soon na po,” sagot ng Kapamilya actress.

Ano naman ang reaksiyon niya na mas nauna ang aring ng soap ng karibal niyang si Julia Montes na Muling Buksan ang Puso?

“Actually, wala naman pong issue ’yun pero I think naman magsasama rin kami sa isang... same network din naman. Wala naman ’yung ano. And for now, okay lang siguro na ayun, sina Julia muna, and sa right time ipapasok din naman kami,” sagot ni Kathryn.

So, wala siyang sama ng loob sa pagkaka-postpone ng serye nila?

“Wala. Wala po talaga,” she said.

Pagkikita nina Gretchen at John inaabangan, halikan nila noon bubuhayin

Pumapasok na sa turning point ang seryeng Huwag Ka Lang Mawawala ni Judy Ann Santos. Sa mga darating na episode, mas palabang Juday na ang masasaksihan ng televiewers at magiging bida-kontrabida na siya ng kanyang sariling serye.

Kung sa mga nakaraang episodes ay nasaksihan natin ang pagpasok ng karakter ni Amalia Fuentez bilang doktora na tumulong kay Anessa, sa mga darating na kabanata ay abangan naman ang pagpasok ni Gretchen Barretto.

Short appearance lang si Greta sa HKLM bilang isang abogado naman na tutulong din kay Anessa. Ang mas kaabang-abang is the fact na magkasama sila ni John Estrada na matatandaang some years ago ay nagkaroon ng malaking kontrobersiya sa pagitan nila.

Remember the kissing photo na naging issue sa kanila noon? Well, matagal na panahon na ang nakalipas at matagal na ring nakabaon sa hukay ang nasa­bing kontrobersiya kaya for sure ay wala na ring problema pa sa dalawa kung magkasama man sila sa isang project ngayon.

Show comments