^

Pang Movies

Megan decided na sa Ms. World

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kaya pala hindi tinatanggap ni Megan Young ang offer ng FHM magazine na maging cover girl siya ay dahil may plano pala itong sumali ng beauty contest.

Isa nga si Megan sa mga nag-submit ng kanyang application para maging candidate sa 2013 Miss World Philippines.

Nai-post sa Twitter, Instagram at Facebook ang kanyang picture na nagpi-fill out ng application para sa screening ng mga candidates.

Walang duda nga na makakapasok si Megan bilang candidate dahil bukod sa kanyang magandang height at figure, wala ring intriga sa kanya.

Kasalukuyan ngang napapanood si Megan sa serye ng TV5 na Misibis Bay kung saan ingat na ingat din ito sa kanyang mga sinusuot na mga bathing suits at resort wear.

Si Megan ang kauna-unahang taga-showbiz na sumali sa Miss World Philippines. Last year ay dapat kasali si Arci Munoz bilang kandidata, pero at the last minute ay nag-backout daw ito dahil may kinalaman sa kanyang kontrata sa TV5.

 

vuukle comment

ARCI MUNOZ

FACEBOOK

INSTAGRAM

ISA

KASALUKUYAN

KAYA

MEGAN

MEGAN YOUNG

MISIBIS BAY

MISS WORLD PHILIPPINES

SI MEGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with