Sosyal ang role ng young actress sa isang teÂleÂÂserye pero bigo siya na gampanan ng tama ang kanyang karakter. Umiral pa rin ang kabaduÂyan ng akÂtres sa kanyang mga eksena, mula sa pananamit hanggang sa pagbibitaw niya ng mga linya.
Malaking disappointment ang aktres sa teleÂviewers na nanghihinayang dahil exciting at challenging ang role na natoka sa kanya. Dahil hindi effective, naglilipat ng channel ang televiewers kapag ang mga eksena ng aktres ang ipinapakita.
TV Host/Actress na may problema sa mga naging katrabaho pinigilan ang sariling magsalita
Pinigil muna ng TV host/actress na magsalita tungkol sa kontrobersiya na kinasasangkutan niya at ng staff ng kanyang programa. Handang-handa na ang aktres na magsalita pero biglang nagbago ang kanyang isip.
May duda ako na pinayuhan ang aktres na maÂnahimik muna. Baka may ginagawa o naisip na soÂlusÂyon ang network management para maayos ang malaking problema na nakaapekto sa programa ng aktres. Kung natuloy ang pagsasalita ng aktres, may pagpipistahan na naman ang mga mahihilig sa tsismis at kontrobersiya.
Regine ayaw munang sumagot
Confirmed na ang paglipat ni Ogie Alcasid sa TV5 kaya nakapagtataka na may mga nagsusulat na hindi pa raw sure ang pag-oober da bakod niya dahil hindi pa siya pumipirma ng kontrata.
Isyu ba ‘yon? Hindi maglalakas ng loob si Ogie na mag-goodbye sa GMA 7 kung walang katiyakan ang paglipat niya sa Kapatid Network. Besides, si Papa Manny Pangilinan ang direktang kausap ni Ogie. May word of honor si Papa Manny kaya imposible na ilaglag niya ang dyowa ni Regine Velasquez ‘no!
Nakausap ko nang personal si Ogie sa recent presscon ng kanyang silver anniverÂsary concert, ang I Write The Songs. DeÂtalÂyado ang kanyang kuwento. So bakit kailangan na paniwalaan ang mga nagsulat na hindi sigurado ang paglipat niya sa TV5 eh hindi naman nila nakausap si Ogie?
Maingay ang tsismis na susunod si ReÂgine kay Ogie sa TV5. No comment si Ogie dahil hindi raw siya nakikialam sa career ng kanyang misis. Hindi pa pinapatulan ni Regine ang isyu sa gitna ng mga balita na done deal na kuno ang paglipat niya sa Kapatid Network.
Huwag nating pangunahan si Regine dahil siÂÂguÂradong ipapaalam niya sa kanyang supporters ang mga plano. Hindi siya dapat i-pressure dahil busy siya sa pag-aalaga kay Boboo Bear at sa recorÂding ng kanyang bagong album. KnoÂwing Regine, magsasalita siya sa takdang panahon. Kung kailan, tanging siya lamang ang nakakaalam.